Chapter 20: Yours

11.5K 621 151
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 20: YOURS

ERIS' POV

Blangko ang ekspresyon sa mukha na tulalang nakatingin lang ako sa taong tatalunin ang ipo-ipo sa ginagawa niya. Nagbaba ako ng tingin sa isa pang nakatitig din sa direksyon na tinignan ko kanina. Just like me, he's watching the scenario in front of us in an almost deadpan way.

"Siya na lang ang pagbayarin natin tutal siya 'tong ang daming gustong bilin. Huwag kang mag-alala, mayaman ako. Hindi kita ibabalik kasi hindi naman ako mawawalan ng pambili ng dog food."

Chance, my beautiful dog, looked up at me. A moment of solidarity transpired between us before we both looked back to the man that's currently attempting to put the whole grocery store in one cart.

Akala ko talaga pagkatapos ng namagitan na halik sa amin kagabi ay magiging awkward ang lahat sa amin. After the kiss, thankfully, the kids helped me have a reason to get away from Blaze for a moment. Naging abala kami sa pagtulong sa kanilang makapag-ayos para matulog at pagkatapos na pagkatapos no'n ay nagising naman si Cariel na nasundan ulit ni Aivy. Then their parents came home and Blaze took me back to the HQ.

Mukhang alam niya naman na kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Without even saying anything he just kissed me on the cheek before leaving me alone. Halos wala akong tulog dahil sa kakaisip kung paano ako aakto sa harapan niya kapag nagkita kami. Balak ko na nga sanang mag-book papuntang Canada. An excuse that I just want to fulfill the other numbers on my bucket list kahit na ang totoo ay kinakabahan lang ako na makaharap si Blaze.

Pero hindi ko na pala kailangan gawin 'yon dahil sa lahat ng tao si Blaze iyong hari ng pagiging unbothered.

He trespassed on my flat again early in the morning dahil may lakad na naman kami na hindi ako na-inform. We went to his ex-kaharutan, Alize, and we finally got to take Chance home. Pero instead na umuwi ay dinala kami ngayon ni Blaze sa mall para mamili ng gamit ni Chance.

"Anong mas marap?" tanong ni Blaze na may hawak na dalawang pakete. "Should I get both?"

Halos nagmamakaawa na ang cart na tulak niya. Daig pa niya ang taong nagpapanic buying ng pagkain na kulang na lang bilhin ang buong estante.

"Hindi ko sure. Hindi pa ko nakakatikim ng dog food," sagot ko.

Umangat lang ang sulok ng labi ng lalaki sa kapilosopohan ko bago parehas na inilagay ang mga hawak sa cart. Kumuha pa siya ng ilan no'n dahilan para wala na halos matira na naka-display. Naiimagine ko na iyong aso na pupunta rito kasama ng fur parent niya tapos makikita niya na wala na iyong favorite food niya kasi may walang pakundangan na nag-panic buying.

Napapabuntong-hininga na sinundan namin ni Chance ang binata nang itulak niya na ulit ang cart. Pumunta kami sa kabilang aisle kung saan naroon ang iba pang mga gamit para sa mga alagang hayop. I saw Blaze currently pulling out a big dark blue bed.

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon