Chapter 32: Crazy

8.8K 485 146
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 32: CRAZY

ERIS' POV

Malakas na bumuntong-hininga ako at nakahalukipkip na nilingon ko ang pintuan ng kuwarto ko. Kaniya-kaniya ang tatlong kanina ay silip nang silip doon na naghanap ng pagkakaabalahan nila na para bang kanina lang ay hindi nila ako ginagawang telebisyon at tutok na tutok sila sa akin.

"Bakit nga ulit nandito kayong lahat?" tanong ko.

"Nakikikain ako," sagot ng kapatid ko na itinaas pa ang wala ng laman niyang platito. Kanina kasi ay pinagdidiskitahan niya ang macaroni salad na ginawa ko. "Saka nasa work si Stone. I'm bored."

"Sinamahan ko ang mama mo," sabi ni Papa nang bumaling ako sa kaniya.

When I turned to my mother, she copied my stance by crossing her arms in front of her as well. Hindi pa siya nakuntento at pinanlakihan pa niya ako ng mga mata na para bang naninindak. "Bakit bawal bang puntahan kita? Nanay mo ako. Ako ang nagdala at nagluwal sa'yo. Ako ang nagpakain at naglinis ng pwet—"

"Ma!" Naiiling na itinupi ko ang hawak ko na damit at ibinagsak ko iyon sa maleta. Hindi naman ako mananalo sa kaniya. Siya nga ang number one na sakit ng ulo ni Papa. Ilang taon na siyang defending champion. "May isang beses po kaya halos isang buong taon namin kayong hindi nakita na magkapatid."

Ngumuso si Mama. "Anniversary kasi namin no'n."

"Nang isang taon?"

"Nag-around the world kami, Eris Lawrence Wright. Pwede bang mag-around the world ng isang linggo?"

Pwede naman kung gamit nila ang eroplano ng BHO CAMP tapos walang babaan. Literal na iikot lang sa globo. Hindi ko na nga lang sinagot ang naisip ko dahil baka makurot pa ako ng wala sa oras. Para pa namang alimango si Mama kung manipit.

Nagpatuloy ako sa ginagawa kong pag-empake. Hindi na ako nagtaka nang hindi nagtagal ay may dalawa ng nakikielam sa ginagawa ko at nakikilagay din ng maisip nilang ipasok sa maleta ko. Gusto ko sana konti lang ang dadalhin ko para marami pa akong space pauwi kapag naisipan kong mamimili ro'n.

"Baka naman pag-uwi mo malaman namin na kasal ka na."

Nabitawan ko ang hawak ko na libro nang biglang magsalita si Papa. Sa kapal no'n ay buti naiiwas ko ang paa ko. Hardbound pa naman. Siguradong pasa ang aabutin ng paa ko kapag natamaan ako no'n.

"Pa!" angal ko.

"What?" Pinagkrus niya ang mga braso niya. "Pinapaalala ko lang sa'yo na hindi pa nagsasampung taon na naikakasal ang kapatid mo. Sukob pa."

Sabay na napatingin si Mama at ang kapatid ko kay Papa. Parehas na puno ng pagtataka ang mga mukha nila.

"Sampung taon?" tanong ni Mama. "Isang taon lang ang sukob, Aries."

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now