Chapter 17: Fix

10.5K 593 188
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 17: FIX

ERIS' POV

Parang nagising sa isang bangungot na napabangon ako mula sa pagkakahiga. Madilim ang kuwarto dahil sa sarado at itim na itim ko na kurtina pero sa kabila niyon ay alam kong hapon na. My heavy head that feels like it's about to break was not just because of the hangover but also due to oversleeping.

Hindi ito ang unang beses na nalasing ako ng matindi lalo pa kilala ko rin ang sarili ko pagdating sa pag-inom. Swerte ko na lang na may-ari ang nanay ko ng bar dahil may tendency akong gawin na juice ang alak.

I don't care about the hangover or my liver that is crying for me right now. What I cared about were the clouded memories that are now trying to kill me by sliding into the front of my brain as if it's on a slideshow. Ito na ata ang version ko ng "life flashes before your eyes". Kasi parang gusto ko ng mag-volunteer para kunin na ko ni Lord ngayon din.

Sa mga ganitong pagkakataon ko na hinihiling na sana katulad din ako ng iba na hindi naaalala ang mga ginawa nila kapag lasing sila. Mas madaling i-deny kapag wala kang alam. O kaya iyong iba na paunti-unti ang pasok ng memorya. Minsan pa nga kinabukasan na bago nila tuluyang maalala. At least they have a few hours of peace.

But not me.

The moment that my soul decided to return to my body, I remembered everything.

Naaalala ko ang diskusyon namin nila Hugo tungkol sa "forever room", ang pagkakaisa namin tungkol sa malakas na magnitude ng lindol na yumanig sa amin, ang pagtatago ko sa ilalim ng lamesa at pag-akto na parang pusang nakalambitin kay Blaze, ang pag drunk dial ko sa tatay ko...

"No," I whispered.

Hinablot ko ang unan na nasa tabi ko at itinakip ko iyon sa mukha ko bago malakas ako na sumigaw. Nanggigilgil sa sarili na parang nasasapian na nagpabiling-biling at nagpaikot-ikot pa ako sa kama na para bang magagawa no'n na alugin ang utak ko para magkaroon ako ng amnesia.

"Magpapaalam lang po. Sabi kasi ni Blaze iuuwi at ibahahay niya na raw po ako."

Muli akong napaupo at malakas na ibinato ko ang hawak ko na unan bago ako nagpakawala ng makabasag tenga na tili. Kung hindi lang siguro soundproof ang mga kuwarto sa BHO CAMP baka nagkaroon na ng lockdown dahil aakalain sinusugod na kami.

Pinadulas ko ang katawan ko pababa ng kama. Parang gusto kong gumapang sa ilalim ng kama ko at doon na lang tumira.

Sa isiping iyon ay parang nang-aasar na muling bumalik sa utak ko ang katangahan na ginawa ko nang maisipan ko na tumambay sa ilalim ng lamesa ng Paige's kung saan nadiskubre ko ang superpower ko. "Bakit kasi hindi ka na nagdala Eris? Kailan ba naging maganda ang umaga mo kapag umiinom ka?"

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now