Chapter 39: Happy

8.6K 497 116
                                    

BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 39: HAPPY

ERIS' POV

A few weeks ago...

"Stop fidgeting."

Binigyan ko ng masamang tingin si Blaze bago ko muling hinila pababa ang suot ko na kulay puti na floral dress. Hindi ko naman kasi alam na ganito palang kaikli 'to. Nang makita ko kasi ang bestida sa online shop ay hanggang tuhod iyon ng may suot. Ano kayang height no'n? Ang liit ko na pero parang mas maliit pa siya sa akin.

"Dapat maxi dress na lang ang sinuot ko," bulong ko.

"You'll look short with that."

Napasinghap ako at hindi makapaniwalang nilingon ko siya. "How dare you?"

"What?"

"Tinatawag mo ba akong pangit?"

Napakurap siya habang may naguguluhang ekspresyon sa mukha niya na para bang hindi niya maintindihan ang nangyayari. "Kailan kitang tinawag na pangit?"

"Ngayon lang."

"I just said a maxi dress will make you look short."

"So hindi bagay sa akin kapag naka-maxi? Hindi magandang tignan? So pangit nga ako?"

Laglag ang panga na napatulala siya sa akin. "Ito na ba ang sinasabi sa akin ng kapatid ko at nina Adonis at Hermes?"

"What?" I asked with my arms crossed in front of me.

"Na kapag tama ka, mali ako. Kapag mali ka, mali pa rin ako."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Mali ka naman talaga."

Natatawang napailing siya at bago pa ako makaiwas ay hinalikan niya na ako sa noo. "I told you I will always be honest. A long dress will make you look short."

"Then I won't marry you. Pakakasalan ko ang taong tanggap akong naka-long dress dahil wala akong balak magsuot ng cocktail dress sa sariling kong kasal!"

"When you look short, you look too cute. I want to keep you in my pocket and hide you forever. It doesn't bode well for me. What if someone steals you away?"

"You can't sweet talk me."

"Of course I can." Bumaba ang mukha niya at sa pagkakataon na ito ay ang mga labi ko naman ang hinalikan niya. "I love you."

Kumibot-kibot ang mga labi ko pero hindi ako umimik. Mula niya akong dinampian ng halik. Pinaulit-ulit niya iyon hanggang sa nagiging malalim na ang bawat halik niya. It wasn't long that it became a full blow kiss.

"I love you," he murmured.

"Oo na."

"Say it back first."

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now