Buried Past

7.4K 479 26
                                    

Chapter Seven

NASUNDAN na lang ng tingin ni Meredith ang papalayong likuran ni Vengeance. Ang sumunod na namalayan niya ay ang pagharurot ng kotse nito palabas ng driveway. May kung anong tila pinipiga sa loob niya. Sa muling pagbaling niya para pumanhik ng silid ay nahagip ng kanyang tingin si Almira. Merong tila pigil na ngiti sa isang sulok ng mga labi nito nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

"Is there something funny, Almira?" hindi niya napigilan ang sariling komprontahin ito. 

Ganoon naman siya. Prangka at hindi mapalabok na tao. Kung sa tingin niya ay ginagago na ng kaharap ay hindi siya tatayo na lang basta at makikipagplastikan dito. At kanina pa siya naalibadbaran sa babae.

"May naalala lang po ako, Attorney," kaswal na sagot ng babae. Nakababa ang magkabuhol na mga daliri sa harapan na akala mo'y kung sinong matimtimang birhen.

"We both know that's a fucking blatant lie. Sanay na akong humarap sa mga sinungaling na tao kaya huwag mong bilugin ang ulo ko."

Napayuko si Almira sa sinabi niya. And she could tell it wasn't an act of defeat or submission. She's keeping her anger in check. Well and good. Susubukan niya kung hanggang saan ang itatagal ng kaplastikan nito. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong mga santa-santita.

"Babalik na po ako sa kusina, Attorney," pagdaka'y sabi ni Almira.

Tiningnan lang niya ito nang dumaan sa tabi niya.

Napabuga siya ng hangin nang ipukol ang tingin sa labas. Ang berdeng tanawin sa harapan niya ay hindi nagawang pakalmahin ang kaguluhan sa loob niya. Mayamaya pa ay napansin niya ang pagdidilim ng langit. Mukhang babagsak ang malakas na ulan.

Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pants at tinawagan si Vengeance. Nag-aalala siyang baka abutan ito ng malakas na ulan sa daan at kung mapaano pa ito.

"Come on, pick up," angil niya.

Pero hindi pa rin ito sumasagot. She sighed in frustration. Ngunit baka nag-aalala lang naman siya sa wala. Pumanhik na siya ng silid. Dumiretso siya ng banyo at doon nagsepilyo. Habang nakatitig sa sariling repleksyon ay may naalala siya. Tinapos niya ang pagsesepilyo at may kinuhang maliit at transparent na sisidlan sa kanyang hand purse. Meron iyong maliliit na pildoras sa loob. Ibinuhos niya iyong lahat sa inidoro atsaka diniinan ang flush. Pinanood niyang tangayin ng tubig ang pills. 

Sa kabila ng mga pag-aalinlangan niya ay naisip niyang panahon na nga rin siguro. And if God wills it, mangyayari ang kagustuhan ni Vengeance. Paglabas niya ng banyo ay eksakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Kitang-kita niya iyon mula sa nakabukas na French doors. May panaka-naka pang pagkidlat sa papawirin kaya nakaramdam siya ng takot.

Muli niyang sinubukang tawagan si Vengeance. His phone was ringing but he's not picking up. Saan ba kasi ito pupunta?

Nang hindi pa rin ito sumasagot ay nag-message na lang siya.

Where are you? Ang lakas-lakas ng ulan. Umuwi ka na.

Naghintay siya ng ilang sandali kung magre-reply ito o hindi. After ten minutes at wala pa rin ay muli siyang nagpadala ng mensahe.

I'm worried. Napakalakas ng ulan. Come home.

Nang hindi pa makuntento roon ay muli siyang nag-message.

Let's talk about this.

After she hits send, inihagis niya ang cellphone sa kama. Naihagod niya ang mga daliri sa buhok.

Paano nga ba silang nagsimula...?


FOURTEEN years ago.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon