Training Day

4.7K 411 46
                                    

Chapter Eighteen

PUTING tee shirt, original Converse shoes, at baby blue jogging pants ang get up ni Meredith nang madilim-dilim pa ay sunduin siya ni Vengeance sa bahay ni Lola Miling. Si Rocky na kasama nito sa pagsundo sa kanya ay pinaiwan nito sa bahay para siyang umalalay kay Lola Miling sa pamimili dahil araw iyon ng pamamalengke ng butihing yaya.

"Mag-warm up ka muna," ani Vengeance nang magsimula na silang maglakad.

Bagay na ginawa naman niya. Iniinat-inat niya ang mga braso. Habang nagbibigay ng ilang instructions si Vengeance ay sinasabayan siya nitong mag-stretching.

"That's good enough. Let's jog."

She must admit she's not really a gym rat or a fitness freak. Nakakapag-exercise lang yata siya during PE class. Mabuti na lamang at bata pa siya at malakas ang metabolism. Kahit hindi siya masyadong active ay hindi siya tumataba. Lalo pa nga at lately napapalakas siyang kumain dahil kay Vengeance. 

After thirty minutes ay halos lumawit na ang dila ni Meredith. Hingal na hingal siya at tagaktak na ang pawis.

"San... dali. Time out, time out," habol-hiningang sabi niya kay Vengeance na nauuna ng sampung dipa sa kanya.

Tumigil siya sandali at hinihingal na napahawak sa magkabilang tuhod. Vengeance was wearing that familiar lopsided smirk when he came back for her.

"We need to work on your stamina."

"Sino ba kasi... ang nag... sabi sa'yo na kailangan kong... ha, haa," nahigit niya ang paghinga nang para na siyang mauubusan ng oxygen. "Mag-aral ng self... defense?"

"It's for your own good. Freshman ka pa lang at hindi mo alam ang kalakaran sa campus. Na minsan kahit anong iwas mo ay gulo ang kusang lalapit sa'yo."

"Are you speaking from experience?" she asked after taking a deep breath.

"Yes."

"You were bullied?"

"They tried."

She made an unladylike snort. Tried. Yeah, right. Vengeance had that 'untouchable vibe' ever since they met. Katulad ng madalas niyang marinig sa mga bata na naglalaro sa tapad ng tindahan ni Lola Miling, ang sinumang bumangga giba. At may palgay siyang ganoon ang mangyayari sa sinumang haharang sa daraanan ni V.

"The girl you encountered few days ago is a member of a sorority. Kaya mag-iingat ka sa kanya. That one is a little bitchy and arrogant so be very wary of her."

"Tinatakot mo naman ako, eh."

"Always expect the worst, Em."

Em. Her insides turned mushy whenever he calls her that. It sounds sweet. Bagaman para rito ay tila kaswal lang naman iyon.

"It can be like a jungle in there. And it won't hurt to be fully-prepared for the worst. During my freshman year ay nagkaroon ng batuhan ng pillbox bomb sa labas ng school, there was two casualties. Then on my sophomore year, there was a frat war."

"Jeez. Gano'n kagulo sa campus?"

"Nagkaroon naman ng improvement sa nakalipas na ilang taon. Napalitan na ang ilang namumuno at nagkaroon na ng mahigpit na regulasyon sa frat at sorority."

Sa totoo lang ay hindi niya maintindihan kung ano ang importansya ng mga brotherhood na 'yan sa buhay ng mga estudyante. Bagaman may mga naririnig siya na ang ilang matataas na tao sa gobyerno kabilang na ang pinakamataas na namumuno sa bansa ay dating miyembro ng isang kilalang frat. Even her father used to be a member of a certain brotherhood. Pero sa klase ng pag-uugaling meron ito he's more likely a member of a satanic cult.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon