Mrs. Liu

9.9K 589 107
                                    

Chapter Four

"I NOW pronounced you, husband and wife. Groom you may now kiss your bride," nakangiting deklara ni Mayor Guillermo Vidanes na nagkasal kina Meredith at Vengeance.

Nang humarap si Vengeance para gawin ang traditional kiss sa pagitan ng mga bagong kasal ay waring tumalon paakyat sa lalamunan ni Meredith ang kanyang puso. Hinawakan nito ang mukha niya sa magkabilang panga na para bang naniniguro talaga ang walanghiya na hindi siya basta-bastang makakapiglas. Nakita pa niya nang bahagyang umangat ang isang sulok ng bibig ni Vengeance bago iyon lumapat sa mga labi niya. 

She was expecting a light peck. Ngunit nang pahapyaw na humagod ang dila nito sa mga labi niya ay kamuntikan na niya itong maitulak palayo.  Pero dahil sa mga taong kasama nila sa tanggapan ng alkalde ay hindi niya nagawa. They have two pair of witnesses. Ang isang pareha ay si Bentley at isang nakatatandang babae na ipinakilala sa kanya ni Vengeance na Ms. Fernanda. She's probably in her early forties. Habang ang ikalawang pareha ay ang kanyang assistant na si Louise at private investigator na si SPO1 Araneta, na parehong nagtatrabaho sa kanya. 

Narinig niya ang pagtikhim ng alkalde kaya pasimple niyang nakurot si Vengeance sa tiyan para pawalan na ang mga labi niya.

"Hijo, baka maubos na iyang asawa mo at wala ng matira para sa honeymoon," pabirong saad ni Mayor Vidanes.

Suwabeng ngumiti lang si Vengeance at inabot ang kamay niyang nangurot dito. Pinagsalikop nito ang kanilang mga palad bago humarap sa alkalde at nakipagkamay rito.

"Congratulations sa inyong dalawa."

Kaswal na nginitian ni Meredith ang alkalde at tinanggap ang pakikipagkamay niyon. Dati itong huwes sa pagkakaalam niya. Ngunit ng mga panahong naging aktibo na siya sa paghawak ng kaso ay napasok na ito sa pulitika. Napansin niyang mukhang ka-chummy nito si Vengeance at si Ms. Fernanda. The three of them seemed close. Hindi man niya gustong mag-isip ng masama sa kapwa pero napaisip pa rin siya sa klase ng relasyong meron ang mga ito. Vengeance is a mob boss. What are the chances of him financing the mayor's political campaign?

Hindi siya masisisi kung mag-iisip man siya ng ganoon. Dahil higit kaninuman ay kilalang-kilala niya si Vengeance. Sa likod ng may kaamuan nitong mukha ay nakakubli ang tatlo nitong katauhan. An angel, a monster, and a person who's not capable to feel any kind of emotion. Multiple personality? Not really. But he can be any of those whenever he wants. Kaya nitong tumawa at makipagbiruan tulad sa ibang tao. Ngunit kung totoo man iyon ay tanging ito lamang ang nakakaalam. Lahat ng ginagawa nito ay may dahilan, kalkulado. He's a man who has more than the average IQ of any regular Joe. And he never miss an opportunity to use his brain to his advantage.

"We'll go ahead, Mayor," paalam ni Vengeance sa alkalde atsaka minsan pang mahigpit na nagkamay ang mga iyon. 

"Nagpa-cater na ako ng food para sa lahat, Mayor," ani naman ni Ms. Fernanda. 

"Salamat. Sana ay hindi na kayo nag-abala pa."

"Walang anuman 'yon, Mayor," ani Ms. Fernanda. "Tutuloy na kasi sa honeymoon ang mga bagong kasal. Kaya 'yong handaan na dapat ay para sa mga nasasakupan nila ay rito ko na lamang ipinadala."

Sa narinig ay parang nawala na naman sa tamang lugar ang puso ni Meredith. Ano raw? Tama ba ang narinig niya?

"Let's go, Mrs. Liu."

Kung hindi sa marahang paghila ni Vengeance ay hindi pa maiisip ni Meredith na siya pala ang tinutukoy nitong Mrs. Liu.

Mrs. Liu, wala sa loob na tiningnan niya ang kamay kung saan nakasuot ang simpleng platinum band na may maliliit na diamond. It has a matching oval diamond engagement ring. Na ang malaking bato ay kasinlaki yata ng butil ng mais.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon