Touch

6.4K 477 46
                                    

Chapter Nine

"NAGISING ka siguro ng ingay kanina, ano?" 

Nilingon ni Meredith si Nanay/Lola Miling na nagsalita mula sa may pinto ng tindahan. Isang pilit na ngiti ang iginuhit ng dalaga sa mga labi upang huwag ng bigyan ng alalahanin ang matanda.

"Ayos lang ho, Lola. Ganoon ba talaga lagi rito?"

"Oo. Kaya sana ay mapagtiisan mo."

Ngiti lang ang sagot ni Meredith sa sinabi ng matanda. She almost got raped and now she woke up from a ruckus in the neighborhood. And worst, she was greeted by a violent scene first thing in the morning. Ang pinakabayolenteng eksena na nasaksihan niya sa buong buhay niya ay nang makitang pagbuhatan ng kamay ng ama ang kanyang ina. Tumatak nang husto ang tagpong iyon sa isip niya. At may mga gabing laman iyon ng kanyang mga bangungot. Kung hindi sa matalik niyang kaibigan na si Ramil, siguro ay matagal ng nasira ang paniniwala niya na may matino pang lalaki na nabubuhay sa mundo.

"Ahm, may kilala ho ba kayong YM?"

"YM?"

Sa pagitan ng pagsasalansan ng mga garapon sa estante ay nilingon ni Meredith si Lola Miling na bahagya pang nakakunot ang noo.

"Ah, si singkit ba ang tinutukoy mo? 'Yong kasa-kasama ni Bato?"

"Bato...?" naalala niya, tinawag nga palang Bato ni YM si Rocky noong gabing iligtas siya ng mga ito. "Siya nga ho."

"Hm, wala akong masyadong alam sa kanya dahil mahigit isang taon pa lang naman siyang naninirahan dito sa Purok 6. Kuu, karaming kadalagahan na kaagad ang nabighani ng binatang 'yon. Pero 'yong si Bato ay kilala ko dahil tagarito talaga siya. Dito na isinilang at nagkaisip ang mga magulang niya."

Napatango-tango si Meredith.

"Naku, mukhang nabighani ka na rin ng binatang 'yon, ano?"

Pailing pa lang si Meredith para itanggi ang sinabi ni Lola Miling nang makasalubong niya ang nagbabagang tingin ni Suzy.

"Wala ho akong gusto sa isang 'yon, Lola," may kariinang sagot niya para iparinig kay Suzy. "Siya lang naman kasi ang nabungaran ng mga mata ko kanina na nakikipagpatayan doon sa lalaki na doble yata ng height at laki ng katawan niya."

"Pero magaling si YM kaya balewala sa kanya ang mga gano'ng kalaban," sambot ni Suzy na para bang proud pa ito sa husay ng lalaki sa pakikipagbasag-ulo. 

Pinigilan ni Meredith ang sarili na mapatirik ang mga mata. Hindi niya maintndihan ang ibang babae na para bang mas naa-attract pa sa isang lalaki kapag bad boy ang image. Tapos kapag nagkapangasawahan na ay ito na ang gagawing punching bag.

Psh. Not my kind of man, she sneered. In fact she avoids his kind like the plague.

"Hetong si Suzy ang numero unong tagahanga niyang si singkit. Parang laging kinikiliti ang kuntil ng babaing ito kapag nakikita na ang binatang iyon."

"At sasabunutan ko ang sino mang magtangkang landiin si YM, 'Nay. Itaga niyo 'yan sa bato."

"Desperada," bulong ni Meredith.

"May sinasabi ka?"

"Uy, uy, tama na 'yan," ani Lola Miling. "Tutal naririto ka na rin lang, ikaw na ang bahalang umalalay kay Mari. Hindi pa siya pamilyar sa presyo ng mga paninda."

"Opo, ako na ang bahala sa kanya," mabilis namang sagot ni Suzy.

Mari ang napagkasunduang tawag ni Lola Miling kay Meredith. Bukod sa iyon talaga ang nakasanayang tawag ng matanda sa namatay nitong apo, malapit-lapit iyon sa tunog ng pangalan ni Meredith. Sa ganoong paraan din ay maiiwasan nilang magkamali.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon