Once Upon A Night

6.2K 476 122
                                    

Chapter Twenty-Four

"WHERE the hell are you, guys?!"

Napapitlag si Meredith nang sipain ni Vengeance ang gulong ng kotse nito.

"What's taking you so long?!" 

Napasiksik si Meredith sa kinauupuan nang padarag na buksan ni Vengeance ang pinto sa driver seat at maupo roon. Nagtaka siya na hindi nito kasama si Rocky. Madalas naman ay parang anino nito ang huli.

He started his car engine. Nakadiki sa tenga nito ang cellphone at tanging isang kamay lamang ang gamit habang mahusay na iminamaniobra ang sasakyan paalis doon.

Sa kabila ng takot ay may naramdamang paghanga si Meredith sa paraan nito ng pagmamaneho. Katulad ng personalidad nito ay suwabe lamang ang takbo ng sasakyan kahit medyo may kabilisan. Hindi tulad ng pagmamaneho ni Shawn kanina. Pabugso-bugso at hindi tantiyado ang distansya mula sa nasa unahan at hulihang sasakyan. Tuloy ay pumepreno ito nang alanganin. Muntik na siyang mapakomento kanina na mukha itong baguhang driver na wala pang kasanayan sa harapan ng manibela. But with Vengeance kahit matulin ang takbo ng sasakyan ay parang bahagi lamang ng katawan nito na minamaneho ang sasakyan.

"Muntik na siyang mapahamak! What am I supposed to do? Ang tagal niyo. Of course I swallowed it. What?!"

Walang maintindihan si Meredith sa one-way conversation na pinakikinggan. At nagulat na lang siya nang hampasin ni Vengeance ang manibela at pahapyaw na nag-side glance sa kanya.

"I have twenty minutes or less. You've got to be shitting me! Five hours?!"

Nginangatngat ang curiosity ni Meredith.

"I'll call Bentley kapag hindi ko kayang bumiyahe. Got it, bring them all in and make sure they spend time in jail," saglit nitong pinakinggan ang sinasabi ng kausap at pagkuwa'y muling nag-side glance sa kanya. "No, no. Out of the question. I'll find someone else."

Nang matapos ang tawag ay basta na lamang nitong inihagis sa dashboard ang cellphone. Only then she noticed the car's emblem. Riviera. 

"How did you find me?" nahigit niya ang paghinga nang matulin nitong patakbuhin ang sasakyan.

"Rocky saw you leaving the house."

"What e-exactly happened back there?" she stuttered dahil para na silang nasa loob ng racetrack! "Can you please slow down?! Baka mahuli ka for over-speeding."

"I need to get you home safe before the drug take effect on my system!"

"What drug?"

"The drug they put in your drink."

Napamaang siya.

"Yes, M. They spiked your drink."

"Alam mo naman pala bakit mo pa ininom?!"

"Dahil ayaw kong maghinala sila na may alam ako sa nangyayari sa loob ng club na 'yon."

"They're dealing drugs?"

"Yes."

"What have they put into my drink?" kahit parang may hinala na siya ay gusto niya pa ring makatiyak.

"Sex drug."

Napasinghap siya atsaka matamang napatitig dito.

"W-what's gonna happen to you?"

"Go crazy." 

In that exact moment ay biglang nag-swerve ang kotseng sinasakyan nila. Napatili siya.

"Vengeance!"

Narinig niya ang mahina nitong pagmumura bago ipinilig ang ulo na para bang pilit na pinaglalabanan ang epekto ng drogang dumadaloy sa katawan nito.

"Pull over," aniya rito.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon