Piece of Heaven

6.2K 408 35
                                    

Chapter Twenty-Eight

NAGING matunog ng mga sumunod na araw ang drug raid na nangyari sa Blue Nomads. Lahat ng taong involved ay hindi maiwasang mabanggit sa mga usap-usapan. At matunog na matunog ang pangalan ng magkapatid na Deena at Nick. 'Yong mga nahuli sa raid ay pinatawan ng suspension samantalang iyong iba na mapapatunayang may direktang involvement sa drug deal na naganap sa loob ng bar ay awtomatikong kickout sa pinapasukan nilang unibersidad.

Pagkalipas nang halos dalawang linggo ay nakasalubong ni Meredith si Shawn. Nagtaka siya dahil ang buong akala niya ay involved din ito sa drugs. Paano itong nakaligtas sa asunto? 

"Hey, hey, hey, I know that look. But I'm in--aw!"

Isang sampal ang ibinigay niya rito.

"I guess I deserve that. I'm sorry."

"Alin ang inihihingi mo ng sorry? The fact that you used me or that you almost feed me to the wolves?"

"Feed you to the wolves?"

"Playing innocent, aren't we?"

"It's because I really don't know. I transferred here last year since we relocated from Manila. At ngayong napa-trouble na naman ako baka sa Sulu na ako ipatapon ni Mama. I admit, I was a troublemaker kaya ako napunta rito. But I draw the line when it comes to drugs--I don't do drugs. Isa 'yan sa pakiusap ng Papa ko before he passed away. Gawin ko na raw ang lahat ng kalokohan huwag lang ang malulong sa droga."

Naiinis man ay unti-unti ring bumaba ang level ng galit niya sa kausap.

"I'm sorry. Pero paano mo nasabing muntikan na kitang maipakain sa mga lobo? Did you...? I mean, di ba hindi naman ikaw ang naka--"

Hindi natapos ni Shawn ang sinasabi nito at isang kamao naman ang malakas na tumama rito. Gulat na nilingon ni Meredith ang taong sumuntok sa kausap. Muntik pang matumba si Shawn kung hindi ito alertong napakapit sa posteng malapit sa kinatatayuan nito.

"Vengeance?!"

"I warned you," malamig ang tinging ipinukol ni V kay Shawn.

"N-nag-uusap lang kami," tutop ang bibig na sagot ng huli.

Napangiwi si Meredith nang makitang dumudugo ang ilong ni Shawn. Mabilis siyang dumukot ng tissue sa bag. Tanda niya kasi ay may nabitbit siyang ilang ply niyon mula sa canteen pagkatapos magmiryenda. Pero bago pa niya naiabot iyon sa binata ay hinila na siya sa braso ni Vengeance.

"V, ano ba?"

"Stay away from him."

"Nag-uusap lang naman kami," sagot niya. Halos kaladkad na siya nito kaya wala siyang choice kundi ang sumunod sa mabilis nitong paglalakad. "Bakit ka ba nagagalit?"

"Muntik ka ng ipahamak ng gagong 'yon nagagawa mo pa rin siyang kausapin?"

"Nasampal ko na nga, eh. Tapos sinuntok mo pa."

"He deserved it."

"Sabi niya wala siyang alam tungkol sa drug transaction na nangyayari sa Blue Nomads."

"And you believed him?" he sounds annoyed.

"Yes. And I know he was telling the truth."

"You're so gullible."

"Mali ba ako?"

Hindi ito sumagot.

Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Lumingon ito sa kanya atsaka kusang binagalan ang paglalakad.

"He's not involved, right? Kasi kung dawit siya bakit siya nakalaya?"

Hindi ito sumagot.

"V?"

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon