Wedding Night

9.9K 549 75
                                    

Chapter Five

"FIRST honeymoon my ass." Bumangon na siya at naupo sa gilid ng kama.

With all the stress and the nagging thoughts about Vengeance for the past days before their wedding, she was no longer surprise that she slept like a log. Ni hindi na nga niya namalayan ang pagbuhat nito sa kanya mula sa sasakyan at pagdala roon sa silid.

Nang malanghap ang masarap na aroma ng pagkain ay imboluntaryong napatayo siya at hinanap ang pinagmumulan ng amoy. Parang inaakit ang sikmura niya na lalo yatang kumalam at natakam. Gutom na gutom na talaga siya. Hindi rin kasi halos siya nakakain ng agahan. Pagkatapos na pagkatapos naman ng kasal ay hindi man lang siya niyaya ng hudyo niyang asawa para kumain. 

"Puwede na tayong kumain. Alam kong gutom ka na. Magbibihis lang ako."

"Bilisan mo."

"Hindi ka ba muna magbibihis?"

He looked at her from head to toe. She's wearing an off white, backless, cape dress that reaches above her knees. Wala siyang ibang mapagpiliang damit na sa palagay niya ay babagay sa okasyon kaya iyon ang napili niya. 

"Your clothes are still here," iminosyon ni Vengeance ang isang kamay sa kinaroroonan ng walk-in closet. "O, kung ayaw mo naman ay puwede rin ang mga damit ko."

"No, thank you."

"You love wearing my shirts, though."

"Says who?"

"Kasasabi ko lang."

Nilampasan niya na lang ito at pumasok ng banyo. She's really hungry at mukhang nagkakainan na ang mga bituka niya sa tiyan. Pero nag-half bath na rin siya komo hindi sanay ng hindi kaagad nagpapalit ng undies pagdating ng hapon. At dahil may adjacent door papasok ng walk-in closet mula sa banyo, doon na siya dumiretso. She was wearing a silk robe na mukhang sa kanya rin at hindi naman mukhang gamit nang makita niyang naka-hanger sa loob ng banyo.

Wala na si Vengeance nang lumabas siya. Ang suot niya ay cotton square pants at floral cami top. Then she tied her hair in a messy bun using her scarf.  Lalabas na sana siya ng kuwarto nang bumukas ang sliding French doors sa balcony ng silid.

"Let's eat. Ipinaakyat ko na rito ang pagkain natin."

She almost salivate nang makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa. She loves to eat. Kayang-kaya niyang makipagsabayan ng kain sa mga construction worker. Good thing she's active in the gym. Kung hindi ay baka balyena na siya sa edad niya. 

Ipinaghila siya ni Vengeance ng upuan. Ang mga mata niya ay hindi yata mahiwalay sa isang malaking bowl ng bulalo. Her favorite. May sawsawang patis, sili with kalamansi. Marami ring nakahaing side dishes doon, mostly Filipino-Chinese cuisines. Pero para sa kanya ay walang makatatalo sa lasa ng bulalo.

"Here," inabutan siya ni Vengeance ng isang plangganita na may malinis na tubig at hiwa-hiwang dayap.

Walang pagdadalawang-isip na inilubog niya ang dalawang kamay roon at piniga-piga pa ang dayap para kumatas sa kamay. Nakagaganang kumain kapag nakakamay at amoy native lime. Magmula nang mamulat ang isipan niya sa iskwater ay nakasanayan na talaga niya ang kumain nang hindi gumagamit ng kubyertos.

Kaagad niyang hinarap ang pagkain. Si Vengeance ay aligaga sa pag-a-assist sa kanya na para siyang bata na kailangan pang intindihin. Pero ano pa ba ang bago roon? Hindi niya iyon naranasan sa kahit na kaninong lalaki. Even with her previous husband. With Vengeance, she always felt like a fragile crystal. Hindi man niya madalas mahulaan ang takbo ng utak nito, iyon ang isang bagay na hindi rito nagbabago.

"Hm, matagal-tagal na rin mula nang huli akong makatikim ng ganitong luto." Natatakam na kaagad niyang sinandok ang isang dahon ng pechay at isinawsaw sa patis with silimansi. 

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon