The Game Changer Chapter 5

12.6K 180 1
                                    

<Chelsea's POV>

Pag alis ni Zane ay pumasok agad ako sa apartment ko para ikontak si Daddy. Bakit pinapahanap ako ni Dad? Hindi na ba siya galit saken? I mean, the last time i saw him he was really furious about the issue.

That was like 4 months ago since umalis ako sa bahay.. at totoo rin kayang gustong hingin ni Dad ang number ko? Bakit si Bridget ang pinakuha niya ng number ko eh alam naman niyang para kaming aso't pusa pag nagtabi nun? Kahit iniisip ko pa lang si Bridget, kumukulo na ang dugo ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko na sana si Dad pero may nahagip ang mata ko na isang maliit at sqaure na parang foil na kung ano sa sofa.

Kinuha ko yun.

O_O

^O^

BWahaha.. Grabeeee!!  

Nakakatawa talaga yung Zane na yun.

For sure, sa kanya to!!

Lagot yun!! Nakakatawa talaga siya.  

Nyahahaha.. Kinuha ko yun at nilagay sa drawer ko, tapos ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin.

Kinain talaga niya ang cake na hindi ko naubos kanina, bakulaw lang kung makakain yung Zane na yun.. parang hindi pinapakain sa bahay nila or ewan ko anong kinakain nun. Pero, siguro nga nasarapan siya or nagdadrama lang talaga siya para makascore pero 

Imposible rin naman na gusto niya ako, kasi sigurado akong maraming babaeng umaaligid dun.

Sa totoo lang sobrang gwapo niya talaga at grabe, ang HOT niya pero nakakawindang ang pagiging playboy. Nakwento nga saken ni Steph na wala raw yung dinidate na babae dahil ayaw ng commitment... pinakamatagal na yata ang dalawang araw , siguro yun yung mga girls na ultimate performer sa kama.

Hindi ko lang akalain na napakagwapo niya talaga sa personal, kasi naman sa magazine ko lang nakikita ang pagmumukha niya kaya medyo na intimidate ako tapos unang kita pa lang namin aydumadamoves na ang loko.

Mayaman siya at nalaman kong funny rin siya at higit sa lahat siksik, nag uumapaw at oa ang kagwapuhan niya.. siya ay halimbawa ng lalaking dapat IWASAN kung ayaw mo ng another heartbreak. 

Siya rin kasi ay halimbawa ng taong alam na gwapo siya at hindi niya nahihindian ang mga babaeng naglalaway sa kanya.

Tulad kanina, parang nawala sa sarili ang mga kapitbahay ko sa apartments nung nakita siya.

Bakit naman kasi para siya model lage kung pumorma? Simple lang naman ang porma niya pero wala lang, sobrang gwapo eh. Tapos, nandiyan pa ang mata na sobrang nakakatunaw kung makatitig at ang lips na laging may tinatagong pilyong ngiti.

You don't want another heartbreaking experience Chelsea, not now, never.. not again.

Hindi ka na magpapauto ulit okay? Si Mark nga na 'nice guy' raw, nagawang magloko.. si Zane pa? If i know, he just want you to be one of his collections. Ganun lang yun, pagkatapos kang gamitin, GAME OVER.

Ganyan ang mga playboy na tulad niya, ganyan ang mga player.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay tinawagan ko si Stephanie.

"Hi.." nakangiting sabi ko. 

[BFF!! i was about to call you pa naman. Nag bake ka ng paborito ko? you did right? you did?]

I giggled.

"Of course Steph. Kahit ito na lang ang pabaon ko sayo noh. Haaay.. mamimiss kita."  

[Bff naman eh.. please don't be like that. Please naman. Mag iiyakan na naman ba tayo? Haay.. Wag kang magdalawang isip na tawagan ako kung may problema ha? aalis na ako bukas ng hapon pero alam mo namang isang tawag mo lang..gora go nako diba? don't ever forget that.. kung pwede lang kitang isama, gagawin ko.]

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now