The Game Changer Chapter 27

8.5K 98 2
                                    

Gc - 27

<Chelsea's POV>

Nakakainis naman tong araw nato, nakakapagod, ang sakit pa ng katawan ko at ang hapdi ng mata ko. Haaay.

Tiningnan ko ang cake sa harapan ko na kailangan ko pang lagyan ng decoration. Mukhang masarap tong cake nato ah, tumingin ako sa paligid para maghanap ng pwedeng kainin. Maraming cakes dito pero naisip kong parang gusto kong kainin ang double chocolate cake, kinuha ko sa ref, pagtingin ko sa fridge ay meron ding ice cream kaya kinuha ko na rin.

Oo, ito ang kailangan ko para mawala sa isip ko si Zane.  

NapakA!

Kanina pa ako nagtatrabaho rito at halos mapunit na ang uniform ko sa pagmamasa pero pag nababakante ang utak ko biglang pumapasok ang mukha ni Zane tapos umiinsert ang pictures na may kahilakan siya.

Arggh!! Ito na naman, naiisip ko na naman.

Umupo ako at sinimulang kainin ang cake tapos nag scoop ng ice cream. Bakit parang ang pait ng lasa ng ice cream??  

Tiningnan ko ang flavor... Vanilla..? Ang pait.

Tinikman ko ulit. Ahw. Hindi pala, ang pait lang ng pinagdadaanan ko ngayon, nadamay pa tuloy ang ice cream.

Umupo na ako at kumain ng dire diretso.

Napatingin ako sa ang bag ko, malamang may text na naman ako galing kay Zane. Nakailang text siya saken kagabi pero hindi ako nagreply, nakailang tawag rin ito pero hindi ko sinagot. Bakit ko naman sasagutin? Kahit na gusto kong marinig ang boses niya.  

Kahit na namimiss ko na siya bakit ko siya kakausapin?? Para makinig sa mga kasinungalingan at alibi?? Tss!

Tumulo na naman ang luha ko.

"Nakakainis naman eh.." ngayon naman ay kinakausap ko na ang sarili ko, nabaliw na.

Humihikbi ako pero kumakain pa rin.

"Kung kailan mahal ko na siya saka ko pa malalaman lahat, na niloloko lang pala niya ako." Kain.

"Beauty.." suminghot ako at tumingin sa may pinto. Nakatayo si Tita Patty at nakatingin saken with that 'tell-me-what's-wrong' look.

Yumuko lang ako habang may kutsara pa rin sa bibig ko.

I heard Tita Pat sigh at nag cross arms ito.  

"Come On Beauty..Tell me.. it's about Zane right? Nakita ko ang bulaklak na tinapon mo. What happened?" I looked at her at nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko.

"Tita." i cried out to her.

Lumapit siya saken at niyakap ako, ohh.. i need this hug really bad. Sinimulan kong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon, sinabi ko ang tungkol sa mga pictures na pinakita ni Bridget saken at tungkol sa babaeng yun na kahalikan ni Zane sa pictures. Unfinished business?? Nakakainis!!

"Shh.. tama na. Nagkausap naba kayo ni Zane tungkol sa bagay nato.?" tanong niya saken habang nakayakap pa rin saken. How i wish mom's here, kung nandito siya yayakapin niya rin ako para aluin.

Umiling ako at umayos ng upo.  

"Hindi na importante yun Tita. Niloko niya ako, that's it kaya nakipaghiwalay na ako agad dahil kung bibigyan ko pa siya ng oras para magpaliwanag, malamang magsasabi na naman siya ng kasinungalingan." mahabang sabi ko habang pinapahid ang luha ko.

Bakit ba lagi na lang ganito? Ganun ba ako katanga para laing ako ang ginaganito nila? Are they having fun? Masaya ba sila pag nasasaktan ako?

"I really thought everything was real and true. AKala ko lahat ng pinakita niya saken totoo na, na talagang gusto niya ako. AKala ko nagbago siya, pareho lang pala sila. Pareho lang silang lahat Tita." napahikbi ako dahil ang sakit.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon