The Game Changer Chapter 8

12.3K 150 3
                                    

GC 8

<Zane's POV>

Yo! Good morning.

Ang aga kong nagising dahil sobrang sarap ng tulog ko kagabi. Ito na yata ang pinamagandang gising ko. Bumangon ako ,kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ng 'good morning' kay Chelsea. I smiled dahil naalala ko ang magandang mukha niya at naligo na.

Pumasok ako sa opisina na masayang masaya kahit hindi naman nagreply si Chelsea, kahit man lang good morning.. baka wala siyang load? Bibigyan ko ng load para magreply? Hmm.. wag na.. baka isipin na naman nun na gusto kong may makuha mula sa kanya at i.cancel ang dinner namin.

Ang tagal ng oras at parang gusto kong hilahin ang mga araw na sana mag friday na para magkita na kami, ayaw ko rin pumunta araw2x sa bahay niya kahit gustung gusto ko dahil ayokong isipin niyang binabakuran ko siya. Wew Zane.

Buong araw ay sobrang busy ako dahil na rin sa car show, nag overtime halos lahat ng empleyado ko pero kahit ganun ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na itext c chelsea o kaya ay tawagan siya at pag naririnig ko ang boses niya parang nawawala ang pagod ko. Ginagawa kong energizer ang boses niya at ang tunog ng tawa niya.. kahit sa phone..sexy pa rin siya.

Crap!!!

Naasar ako dahil diko mapigilan ang sarili ko na mapangiti tuwing naaalala ko ang magandang mukha niya at magandang hubog ng katawan niya. Pervert right? Napangiti ako.

"Mukhang masaya ang boss ko ah.." untag ni Margaret saken na may bitbit na kape. Huwebes na ngayon at bukas na ang dinner namin ni Chelsea at tuwing naiisip ko yun, biglang naghuhhurumintado ang tiyan ko. Tsk. Way to go Zane.. way to go!!

"Why? Is this the first time? Lage bang nakabusangot ang mukha ko for the past 5 years na nakasama moko?" nakangiting tanong ko sa kanya at uminom na ng kape. Masarap tong ipartner sa cake na gawa ni Chelsea.

"Not really Boss.. ibig kong sabihin, mukhang soooobrang saya mo ngayon.. kahit wala ka kasing kausap..nakangiti ka.. masyadong masaya rin diba?" naupo ito sa tabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa conference room, bago lang natapos ang meeting kaya naiwan ako dito sa loob.

"Mukha pala akong baliw.."

"Hindi Sir.... mukha ka lang inlove.."

Halos mabuga ko ang kape ko dahil sa sinabi niya, napaubo pa ako.

"Inlove?? you're kidding right??"

Umiling ito.

"Tingnan mo ang mukha mo sa salamin boss... yan ang mukha ng taong inlove." at umalis ito na nakangisi.

Holy crap!! Really? Its creeping the hell out of me to hear those words from margaret. She knew me very well at ang sabihing nakikita niya yun sa mukha ko, ibig sabihin totoo.

That word creeping me out... inlove ako?? hindi naman siguro. Masaya lang. Tsaka, hindi ako inlove kay Chelsea... InluSt ako sa kanya. Hehe.

Ang tagal pa bago mag friday. Huwebes pa ngayon eh...bukas pa ang friday. Napagkasunduan naming susunduin ko siya bukas ng 7pm kasi kakain pa kami tapos manonood ng sine.

Tiningnan ko ang relo at sumandal sa head rest ng swivel chair. 

Minsan talaga ang oras madaya.. ang tagal ng oras pag hindi kami magkasama pero pag kasama ko siya sobrang bilis lang.

Napapailing ako.

What happened to you Zane?

Nagayuma ka yata talaga. Babae lang yan.

======================================

Today is the day.

4pm pa lang pero masyado na akong excited, mabuti na lang at pwede akong umalis ng maaga ngayon dahil tapos na ang busy days namin. Lumabas ako ng opisina.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now