The Game Changer Chapter 18

10K 136 2
                                    

GC 18

<Chelsea's POV>

"Chili.. look at me....wag kang kabahan okay?" rinig kong sabi ni Zane sabay hawak sa kamay ko. Natawa ako at tumingin sa kanya. Tumingin naman ito na takang taka.  

"Why?" he asked me.  

"Mukhang mas kabado ka pa kesa saken eh..sa sarili mo kaya sabihin yan." sabi ko sa kanya and then he sighed.  

"Are you really sure about this? we can still back out you know." nagbabakasakaling tanong nito saken. Mga 15 times na yata niya akong tinanong nun.  

"For the nth time Playboy..im sure about this okay?? don't worry..everything will be okay." sabi ko kanya kahit na hindi naman ako sigurado at medyo kinakabahan rin ako, sinong hindi kakabahan kung mamimeet mo ang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa buong pilipinas? wew!

Pumasok na kami sa isang subdivision na sa pagkakaalam ko ay subdivision ng mga over over sa yaman. Yung nag uumapaw ang kayamanan.

I looked around at napapangiti ako dahil nakikita kong may mga bahay na ubod ng gaganda at meron namang iba na halos hindi mo na makita ang hitsura ng bahay dahil sa tataas ng pader. Meron iba na walang gate at american style kumbaga. Cute. Parang Beverly Hills sa Pilipinas ang subdivision nato.

Huminto si Zane sa isang malapad na itim na gate at may nakalagay na Villa Ayala sa pader ng bakuran nito. Huwow. Villa talaga. Nakita kong sumilip ang guard at sumaludo kay Zane tapos ay bumukas na ang gate.

"Good morning Sir Mikel.." sabi ng isang lalaking naka naka white shirt at naka pantalon na dark blue. Palagay ko ay nasa early 40s pa ito, malaki ang katawan at masasabi kong matangkad rin.  

"Good Morning Lito.. This is Chelsea.. my Girlfriend." nakangiting sabi ni Zane sa kanya at nakita kong lumuwang ang ngiti nito na tumingin saken.

I held out my hand para makipag shake hands dito.

"Nice meeting you po Maam Chelsea.." nakangiting sabi nung guwardiya at tiningnan muna si Zane bago tinanggap ang kamay ko para sa shake hands.

"He seems nice ah.." puna ko nung dumiretso na kami sa loob.

The front lawn is extremely huge. Pero, mukhang wala dito ang selebrasyon at parang nasa likurang bahagi ng bahay. This is a mansion, i guess. Ang laki ang bahay, ang laki ng bakuran. The lawn is green at may mga limang kiosk pa na pwedeng pahingahan.

"He really is.. Matagal na namin siyang morning guard, he's actually an ex-army. So, this is the front lawn chili.. we used to play here when we were kids kahit pinagbabawal nina Mom and Dad.. and kita mo yung mga kiosk na yun? diyan nagpapahinga ang mga guards at ibang kawaksi ng bahay pag napapagod sila. Ang buong pamilya kasi nagbabonding sa likuran, may lawn rin doon at mas presko kesa dito."

"Sobrang laking front lawn naman.. pwedeng pagtayuan ng bahay.." sabi ko.  

"Yeah.. akala kasi nina Dad, makakarami sila ng anak kaya ganyan pero unfortunately 3 lang kami.. lahat kasi CS kaya hindi na pwedeng masundan.. maselan kasing magbuntis si Mom." mahabang paliwanag nito at nagpark na.

Malaki ang bahay at papasa rin itong ancestral house. Parang alam ko ng victorian ang motiff sa loob, the typical house of billionaires.

Paghinto namin ay inayos muna ni Zane ang polo nito at bumuga ng hangin. He's really nervous. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko. Binitbit rin namin ang cake na hinanda ko.

"Chili..kung gusto mong tumakbo paalis, sabihin mo lang ha.. when they start to act weird, just tell me dahil sasabayan kita." bulong nito at pinisil ang kamay ko.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now