The Game Changer Chapter 11

9.8K 166 16
                                    

<Zane's POV>

Ang sarap naman batukan ng Bridget na yun. Ang talas ng dila eh hindi naman maganda, hindi ako magtataka na step sister siya ni Chelsea dahil sobrang layo ng mukha nila at ng ugali.

Tiningnan ko siyang tahimik lang na nakaupo ngayon sa tabi ko, pauwi na kami at ako na ang naghatid sa kanya, ipapakuha ko na lang ang kotse niya sa mekaniko ko.

Nakapikit lang si chelsea ngayon at hindi ako sanay na ganito siya.

Ano kayang iniisip niya?

Mahal niya pa kaya ang Mark na yun? Gwapo naman si Mark pero di hamak naman na mas gwapo ako dun tsaka tanga si Mark dahil pinakawalan niya si Chelsea. Buti na lang tanga siya.

Isipin ko pa lang na may nararamdaman pa si Chelsea kay Mark parang gusto ko ng magwala. Hindi ko naman inaasahan na magustuhan rin niya ako o maramdaman rin niya ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya o di kaya ay mahalin niya ako tulad nung kanila ni Mark dati pero ang pangit sa pakiramdam na mahal niya parin yung lalaking yun.

"Chili... nandito na tayo.." pukaw ko sa kanya at dumilat ito tapos ay naunang lumabas. Tinulungan ko siya sa mga pinamili niya at pumasok na kami sa loob ng apartment niya.

Pumunta kami sa kusina at tinulungan ko siyang iayos ang mga grocery items.

"Gutom ako.." basag ko sa katahimikan tapos ay tumingin siya saken at ngumiti.

"Ipaghahanda kita ng makakain.. ano gusto mo?"

"Hindi na pala ako gutom..nabusog ako sa ngiti mo chili.." tapos ay tinuloy ko ang paglabas ng mga items.

Tumawa siya at tumingin saken.

"Salamat dun kanina Ayala ah.." tinutukoy nito ang nangyari sa mall.

"Wala yun..ayos nga eh.. nakayakap ako sayo.."

"As if naman first time mokong niyakap.."

"Kaya nga..ayos nga dahil nakayakap na naman ako..ang liit pala ng bewang mo chili..witwew.." she chuckled at binato ako ng cellophane na walang laman.

"Manyakis ka talaga!! manyak ka." sabi nito na tumatawa pa rin.

"You look beautiful when you laugh chili..."

"Pag galit? Pumapangit?" tanong nito na nakatingin saken. Umiling ako.

"Tulad kanina?? you look HOT." at tumawa ulit ito. Ahhh!!! kahit na pakinggan ko ng buong magdamag ang tawa nito ay hindi ko pagsasawaan.

"Are you okay? i mean..seeing them.. after ilang buwan.. tapos magkasama pa sila."

Tiningnan ko siya.

"Nakita ko na nga sila sa kama noh tsaka surprisingly.. hindi na ako galit kay Mark, naaawa ako sa kanya dahil nagpakatanga siya sa bridget na yun.. pero kay Bridget.. alam mo na yun."

Napatawad na niya si Mark.  

Ang dali lang niyang patawarin si Mark to think na grabe yung ginawa ni Mark sa kanya at naaawa pa siya. Ganun niya talaga kamahal yung lalaking yun? Anong meron dun? O baka mabait lang talaga si Chelsea kaya ganun? Shit! Nagseselos na naman ako.

"Mmmm.." sabi ko sabay tango.

She looked at me intently.

"May tanong ka pa Playboy?"

Umiling ako.

"Wala na..."

"Meron pa...spit it out."

Tss. She's really a psychic.

"Ahmm.. Pano kung may feelings pa si Mark sayo and then he wants you back?? Babalik ka pa?"

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon