The Game Changer Chapter 16

9.3K 116 2
                                    

GC 16 

< Chelsea's POV> 

Tok tok tok.

Nagising ako dahil sa mga katok na yun sa pintuan ko. Tiningnan ko ang orasan ko sa bedside table ko.  

6:30am.

Sino naman kaya yan?? At Sobrang aga naman yatang kumatok, bumangon ako at mabilis na nagmugmog tapos ay binuksan ang pinto.

"Good morning Chelsea.. pasensya kana ha at maaga kitang binulabog." nakangiting mukha ni Tita Emily ang bumungad saken, siya ang may-ari ng apartments. 

"Good morning po tita.. ayos lang po yun, ayos nga po eh bigla ko kayong naging alarm clock ko..." nakangiting sagot ko para hindi naman siya makunsensya.

Tumawa ito.  

"Ano kasi.. mamaya ay may pupuntang mga tao dito para icheck ang mga apartments ko, mandatory kasi yun na every year talaga na ichecheck ang mga pipes and sanitation pati na rin ang equipment for safety katulad ng fire extinguisher at fire alarms. Nasabihan ko na kahapon ang mga ibang nagrerenta, ikaw lang ang hindi ko nasabihan kaya inagahan ko na ngayon. Make sure na mag lock ng closet mo at iba pang lalagyan ng importanteng gamit hija ha.. Dapat rin kasi na bakante muna ang mga apartments buong araw." mahabang sabi nito.

Napangiti ako.

"Walang problema po Tita.. whole day naman po ako sa shop eh, kaya ayos lang."  

"Ahy mabuti naman..sige.. yun lang Chelsea.. salamat. " nakangiting sabi nito at umalis na.

Plano ko pa namang mag half day para dito ako mag design ng cake, change of plans, sa coffee shop ko lang gagawin ang pagdedesign ng cake na ibibigay ko kay Zane.

Naligo na ako at pumunta na sa shop, bitbit ko ang maliit na cake na ginawa ko kagabi at iba pang ipangdidisenyo ko sa cake, nag taxi ako para mahawakan kong maigi ang cake at yung iba pang pang decorate dun.

Nag extra effort ako sa umaga para marami akong magawang pastries dahil maghahalf day ako para mag design sa cake sa ibibigay ko kay Zane. Pumunta muna ako sa mall para kunin ang ballpen na binili ko tapos ay dun na rin ako nag lunch, tamang tama ang pagdating sa coffee shop ay tumawag si Zane.

"Hello Playboy.." masayang sabi ko sa kanya.  

[Hello Chili.. kumain ka na?] tanong nito saken na alam kong nakangiti ito sa kabilang linya.

"Yup2x.. Im done.. ikaw??" 

[Tapos na rin.. but i want a dessert..] parang batang sabi nito.

"Awww..gusto mo padalhan kita ng cake diyan?" naglalambing na naman ang Zane ko.  

[Nope..i want you.. ipadala mo ang sarili mo dito.]

I chuckled.

"Wala kaming malaking paper bag Playboy na pwede akong mag kasya.. sorry."  

[Hehehehe.. it's okay.. i'll just have my dessert later. anyway.. Happy Monthsary Babe.]

Wow! Naalala niya pala!!! Ang saya naman.

"You remember???"  I squeled. 

[Yup.. Pano ko ba naman makakalimutan yun?? Isa pa.. nasa reminder yan ng cellphone ko kaya hinding hindi ko makakalimutan.]

Ahhh. Nasa Alarm pala..so, ibig sabihin kanina lang niya narealize na Monthsary namin. Lalaki nga pero ayos lang dahil nag abala pa rin na alalahanin diba?

"Happy Monthsary Playboy.."  

[We've been together for a month.. nyahahahaha..]

Natawa ako. Parang bata.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now