The Game Changer Chapter 29

9.4K 127 3
                                    

GC 29 -

< Zane's POV>

Sumenyas yung isa lalaki, agad namang sumugod yung isa saken at akmang susuntukin ako pero nakailag ako at binigyan siya ng isang upper cut, napaigik ito sa sakit, ginamit ko ang oras na yun para tuhurin ang precious balls nito kaya napaluhod ito sa sakit.. "EAT that Scumbag!"

Pag lingon ko sa kanan ko ay sumugod ang isang lalaki na may bitbit na makapal na kahoy, akmang papaluin ako but i moved just in time para maiwasan yun at sinipa siya sa tiyan, sisipain ko pa sana siya pero naramdaman kong biglang may kamay na pumulupot sa leeg ko kaya hindi ko na natuloy ang gagawing pagsipa, hinawakan ko ang brasong nakapulupot saken at pilit kong kinuha, siniko ko siya pero hindi pa rin tuminag kaya siniko ko ulit at isa pa. Nung naramdaman kong medyo hindi na malakas ang pagkapit niya saken ay hinawakan ko ang braso niya at buong lakas ko siyang binalibag.  

I can't believe it but my adrenaline rush is on it's peak.

Narinig kong sumigaw si Marga at pagtingin ko sa kanya ay nakawala na siya, mabuti naman pero sandali lang yung masayang pakiramdam dahil naramdaman kong may pumalo sa likod ko, paglingon ko ay may tumamang kahoy sa mukha ko. 

Arg! 

Napahiga ako dahil sa lakas ng pagkakapalo saken, nung akmang babangon ako ay napahiga ulit ako dahil may dalawang paa na sumipa saken.

Ang sakit na ng buong katawan ko pero pinilit ko pa ring bumangon dahil dapat masiguro ko ng safe si Marga.

Nung babangon na ulit ako ay may sumipa sa tagiliran ko.  

"Shit!!" napaigik ako sa sakit. May isang pumapalo sa katawan ko ng dos-por-dos at ang isa ay sinisipa ako.

I gritted my teeth at pinikit ko ang mata dahil ang sakit ng bawat palo at sipang natatanggap ko.  

Pag ako nakabangon dito papatayin ko tong mga kumag nato.!!

Naramdaman kong may sumipa sa paa ko, shit!

Nilagay ko na lang ang kamay ko sa ulo ko, I can feel my whole body is stinging.

"Hoy! Mga pangit!! Tama na yan!!" biglang napadilat ako pagkarinig ko ng boses na yun, napatingin ako at nakita ko si Chelsea na humahangos at parang galing nag marathon tapos may bitbit pang box.

Shit!

Why is she here? Baliw talaga tong babaeng to.

Bigla akong kinabahan. Sasaktan siya ng mga lalaking to!

I can't let that happen.  

"Chili!! Alis!!" sigaw ko sa kanya dahil nakita kong sa kanya na nakatingin ang mga lalaking yun.

"Asungot na naman." reklamo nung isang lalaki.  

"Pare.. maganda ah." tiningnan ko ng masama ang lalaking yun.

"Miss Ganda.. wag kanang makialam dito, hindi kami sumasanto ng babae. " nakangising sabi nung isa.

Tiningnan ko ang paligid at tiningnan ko si Marga na umiiyak pa rin at mas lalo akong nabahala nung nakitang kung nagdudugo na ito! Shit! 

"Makikialam ako dahil boyfriend ko yang binubugbog nyo! Stupid!" at tinapon sa kanila ang bitbit nitong box.

Sumugod ang isang lalaki kay Chelsea at bumangon ako para mapigilang ang isang lalaking yun, hindi ko na ininda ang sakit ng katawan. Habang sinusuntoko ang lalaking nakaharang saken ay kay Chelsea ako nakatutuok.

Pag dumapo ang mga kamay nila kay Chelsea, paptayin ko sila! 

Biglang umikot ang paligid ko at natumba ulit ako, hindi ko alam anong tumama saken, pinilit kong bumangon pero sinasalubong ako ng sipa, nakikita ko si Chelsea na sinisipa yung isang lalaki. 

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now