The Game Changer Chapter 12

10.3K 150 3
                                    

GC 12

<Zane's POV>

Simula nung naging kami ni Chelsea ay naging miserable na ang buhay ko, masyado siyang clingy at needy, nagsimula na akong nagsawa sa kanya at nakakainis siya dahil narealize ko na pumangit siya at kalaunan ay JOKE lang pala to.

Hahaha.

Yan ang epekto ng pagiging boyfriend ni Chelsea at epekto ng pagkakagusto ko sa kanya, naging baliw na ako.

"Zane... hindi ka pa maglalunch?" tanong ni Margaret mula sa labas at pagpasok nito ay bigla itong umiling nung makita niyang ang laki ng ngiti ko.

"Wag ka na nga Marga.." sabi ko habang hawak ang cellphone ko dahil tatawagan ko ang flower shop na binibilhan ko ng flowers at magpapadeliver ako ng bulaklak para kay chili ko.

Sa tuwing naaalala ko na kami na, hindi ko mapigilang mapangiti. I sighed. I just can't get enough of her.

"Ganyan kana boss.." nagtatampong sabi ni Marga.

"Ahm.. Marga pwede ka bang mag pa order ng food para satin?"

"Kasali ako Boss?" turo nito sa sarili nito.

"Yep.. and pakisabihan na rin ang mga dept. heads na mag order ng pizza para sa departments nila. All departments ha.. thanks Margaret,,you're the best." Napailing na lang si marga.

Tinawagan ko ang flowershop tapos sinabi ang bulaklak na gusto kong ipadeliver at ang address pati ang pagbibigyan nung mga yun.

Napasmile ako dahil nakikinita ko na ang mukha ni Chelsea na nakangisi pag natanggap niya ang flowers, mga 20 minutes siguro tatawag na yun.

Ilang sandali lang ay kumatok si Margaret sa pinto at pumasok.

"Boss.. may delivery po para sa inyo.."  

Napakunot ang noo ko.

"Ha? Nandiyan na ang FOOD na inorder mo?" 

Umiling ito.

"Hindi po Boss, bago ko pa lang tinawagan yung resto eh.. from i <3 coffee raw po sabi nung security." nakangising pahayag nito.

I smiled.  

"Ipaakyat mo na lang dito Marga..mukhang alam ko na kung kanino galing yang mga yan."

"Ako rin boss...mukhang alam ko na rin kung kanino galing yun." nakangiting sabi ni Marga bago lumabas.

Chili talaga. Bakit kaya ganyan siya ka thoughtful?

Tatawagan ko na nga yung magandang babaeng yun. Tinry kng ikontak pero 'busy tone'.

Hmm? May kausap siguro.  

Sino naman kaya? May tumatawag na pala sa kanya maliban saken?

Dinial ko ulit.

Busy tone again.

Pumasok si Marga na may dalang isang malaking paper bag na may tatak ng i <3 coffee.

"Boss.. ipapacancel ko na po ba yung order natin?" tanong ni Marga na nakangiti saken. Hinawakan ko ang baba ko at umiling.

Miss ko na si Chelsea, gusto ko siyang yakapin dahil ang sweet niya.

"Huwag na Marga, pang mirienda natin to.. " habang tinitingnan ang laman ng paper bag. 

"Natin?? Kasali ako boss?" tanong ni Marga bago umalis. 

"YEP... pangdalawa to o tsaka dalawang shake ang nandito.. malamang sating dalawa to." 

"She's an Angel."  masayang sabi nito at binigay ulit sa kanya ang pagkain para ilagay niya sa Ref.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now