Prologue

74 8 3
                                    

PROLOGUE :

Pagpasok ko pa lang ng condo ko ay may narinig na akong hindi kaaya-ayang tunog, I know it's from my room.

Inilapag ko saglit sa sofa ang bag ko at naglakad patungo sa pinto, hindi nakalapat ng maayos ang pinto kaya dahan dahan akong sumilip at hindi na ako nagulat sa nakita ko.

My boyfriend with the girl na h'wag ko raw pagselosan.

They making . . . Arrrghhh!

Muli kong isinara ang pinto at bumalik sa sofa, naghintay na matapos sila sa ginagawa nilang kababalaghan.

Ang tagal.

After twenty minutes, finally! Lumabas din siya.

"Hey!" Bati ko kay Rico at ngumiti.

"R-Rose, w-what are you doing here?" Utal niyang tanong habang nagsusuot ng t-shirt.

"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre nandito ako kasi condo ko 'to e. By the way, are you guys done? Kanina pa ako dito e, ang tagal niyo naman matapos, nag enjoy ka ba? Nasarapan ka? Grabi, iba ka!" Nakangiti pero nakataas ang kilay na sambit ko.

"Love, let me explain." Akmang lalapit siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"No. Hindi mo kailangang magpaliwanag Rico, hindi nagsisinungaling ang mga mata ko, kitang kita ko kung gaano ka kasaya sa ginagawa niyo." I laughed.

"Hindi ko 'yon sinasadya. Love, it just–"

"No, shut up! H'wag mo na bilugin ang ulo ko, hindi ako tanga! Hoy, lumabas ka d'yan!" Sigaw ko sa babaeng nasa loob pa rin ng kwarto, para siyang maamong tupa na nakatingin sa akin.

"Sa susunod na mangati ka, doon sa walang girlfriend ka magpakamot o baka naman matagal na kayong nagkakamutan ng hindi ko alam."

"L-Love.."

"Tinatapos ko na kung ano man ang ugnayang mayro'n tayo. You can do whatever you want now, Rico. Actually napadaan lang ako dito para batiin ka, sa 'yo na lang 'tong condo ko, happy birthday."

"Love, no! H'wag mo akong iwan, ayusin natin 'to." Nakayakap siya sa akin habang nakatalikod ako.

"Wala na tayong aayusin pa, noon pa lang alam ko na. Nag move on na ako habang tayo pa. Palagi mo kasi akong binibigyan ng yellow rose, you know what it means? PAGTATAKSIL." Mabilis kong nilisan ang condo ko ng walang lingon lingon.

Ako si ROSE LYN CERVANTES, at allergy ako sa mga lalake.

  ---

A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading, support my other stories too, lablab mga dyosa! Keep rockin' 🤘

   >🎸

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now