Chapter 05

13 3 0
                                    

CHAPTER 05 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

"Inom pa tayo, birthday ko pa, isang oras pa." Sabi ni Miss Rose, sumasayaw sayaw pa siya habang umiinom.

Nakatitig lang ako sa kanya, halos mahubad na ang sout niyang jacket pero patuloy pa rin siya sa pagsasayaw.

"Lasing na po kayo, tama na po."

Ayaw niyang magpapigil. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, kasalanan ko ba kung bakit ako nagkakaganito? Kasalanan ko ba kung bakit ako palaging naiiwan? Ang hirap mag isa, ang hirap mabuhay sa mundong 'to, ang hirap tumakas." 

"Hindi mo kailangang tumakas Miss Rose, ang kailangan niyo pong gawin ay harapin, kung patuloy kayong tatakas, patuloy din kayong hahabulin ng nakaraan niyo." Sabi ko, napatigil siya.

"Hindi ko kayang harapin, hindi ko 'to kayang harapin mag-isa, 'yong mga taong akala ko sasamahan akong harapin lahat ng dagok ko sa buhay, iiwan din pala ako."

Yumakap na siya sa akin, medyo awkward, ngayon lang ako niyakap ng babae, kahit ang kapatid ko e hindi ako niyayakap, amoy pawis daw ako lagi.

"Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo."

"Hindi pa ako inaantok, inom pa tayo Roselle!" Tumayo siya para kunin pa ang isang boteng alak sa kabinet.

"Miss Rose, ako na lang po ang kukuha."  Hahayaan ko na lang siyang uminom, hindi niya rin naman ako susundin kahit pagbawalan ko siya, sino ba naman ako?  

"Roselle, 'lika dito, inom pa tayo." Hinawakan niya ako sa kamay at ini-upo sa sofa.

"Cheers! Magsaya tayo, ngayon mo lang ako makikitang ganito, bukas iba na naman ang pagkatao ko." Naluluha niyang sambit at muling uminom ng alak. Hindi ko siya masabayang uminom dahil hindi naman talaga ako umiinom atsaka sino'ng mag-aasikaso sa kanya kapag nalasing siya?

"Alam mo ba no'ng elementary ako, hindi ko naranasan yung hatid-sundo ng magulang sa school, wala kasi si Mama at Papa lagi, si Mama nagta-trabaho para may pang gastos kami sa araw-araw, siya lagi ang nagsa-sakripisyo para sa amin, si Papa kasi e nagta-trabaho lang para sa sarili niya, para may pambili siya ng sigarilyo at alak." Kwento niya , binitawan niya saglit ang alak na hawak niya at niyakap ang unan na nasa tabi niya.

"Nung twelve years old ako, pinalayas kami sa apartment na inuupahan namin kasi wala na kaming pambayad, nagpunta na lang kami sa Lolo ko, sa tatay ni Mama. Doon ko mas naranasan ang hirap ng buhay, naranasan kong hindi kumain, nangangalakal kami para may pambili ng pagkain, ako ang gumagawa ng paraan para makakain kami ng kapatid ko kasi ako ang panganay, ako na rin ang tumatayong Nanay at Tatay niya, nasa Cavite kasi si Mama nun tapos nasa Manila si Papa, hindi naman kami inaasikaso ng Lolo namin, kung hindi ako gagawa ng paraan, baka mamatay kami sa gutom."

Patuloy lang akong nakikinig sa kwento niya, bigla siyang tumayo pero napaupo din agad. "Cr lang ako, h'wag kang aalis, may kwento pa ako, tagal kong kinimkim 'to eh, walang gustong makinig." Pumasok siya sa cr at ang tagal niyang lumabas.

"Miss Rose?" Nakatulog na yata 'yon sa banyo.

"Palabas na ako." Dumeretso siya sa kusina para magmumog.

"Ayos lang po na kayo?"

"Yeah, nasuka lang." Sagot niya at tumingin sa relo, "May thirty minutes pa."

Bumalik kami sa sala, namumula na ang mga mata niya. "Magpahinga na po kayo Miss Rose, bukas niyo na lang po ituloy ang kwento."

"Hindi, ngayon na." Seryoso niyang sagot kaya hindi na lang ako umimik.

"Dahil sa mga nangyari, nagrebelde ako, uminom, nag-yosi, napa-barkada, sumali pa ako sa isang gang," Bilang siyang natawa, "Ang tanga!"

Tumingin siya sa akin at iniabot ang alak na nasa baso, kinuha niya ang nasa bote at ininom. Hindi ba siya papasok bukas? Ibig sabihin maghapon na naman akong nakasuot pambabae at make ups dahil nandito siya sa bahay, hayy.

"After one year, kinuha ako ni Lola, Nanay siya ni Papa, tuwing gabi umiiyak ako, lagi kong naiisip 'yong mga naranasan naming hirap. Nung nasa Pampanga na kami, nasa Manila na si Mama, si Papa naman nagta-trabaho siya hanggang madaling araw, ayos lang sa akin kahit utos-utusan ako at least hindi ako kumakayod tulad ng dati. Alam mo ba, hindi ako paborito sa amin, naaawa ako sa sarili ko, na depressed ako, nagka-anxiety ako, tuwing nagpa-panic attack ako e nagkukulong ako sa kwarto at kailangan kong ngumiti palagi para hindi nila makita na may pinagdadaanan ako, na mahina ako, kailangan malakas ako." Umiiyak na siya, napahawak pa sa dibdib pero inubos pa rin ang alak na nasa bote.

"B-Bakit ka umalis sa Pampanga?" Lakas loob kong tanong

"Dahil sabi ng Lola at Papa ko, wala raw akong kwentang anak, wala raw akong kwentang kapatid, kaya eto, nagsikap ako na maabot 'to, pero mukhang hindi sila proud at hindi pa rin nila ako paborito."

Hindi ako nakasagot.

Hindi mo talaga dapat husgahan ang tao dahil lang sa itsura o sa ginawa niya, hindi mo alam ang pinagdadaanan niya sa t’wing nag-iisa na siya.

Niyakap ko siya, mahigpit at rinig na rinig ko ang paghikbi niya. Gusto kong sabihin sa kanya na, “Nandito na ako, favorite kita.” pero baka magtaka siya at mali.. pakiramdam ko nagugustuhan ko na siya, baka maling feelings 'to, baka nagugustuhan ko lang siya dahil lagi kaming magkasama at ang bait bait niya sa akin.

"Ro-Rosellw, b-bitaw na. Salamat ha."

Napatungo ako, nakakahiya! "Wa-Wala po 'yon Miss Rose, pwede ni’yo po akong kwentuhan kahit kailan, handa naman po akong makinig at dumamay. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." Inalalayan ko siyang tumayo pero muntik na siyang matumba at napahawak pa sa buhok ko, mabuti na lang at hindi natanggal ang wig ko, kung nagkataon, yari ako. 

"Salamat Roselle, magpahinga ka na rin." Pabagsak siyang nahiga sa kama niya, hindi manlang magbihis?

Sinarado ko ang pinto ng kwarto niya at nagtungo na ako sa kwarto ko.  

Hay! Makakahinga na rin ang buong katawan ko.

Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, five thirty na pala.

"Hello, insan?"

"Good morning Kuya Russel, si Miss Rose?"

"Natutulog pa siguro, puyat 'yon kagabi, halos ala una na kami natulog."

"Ha? Ano'ng ginawa niyo kagabi?!"

"Magkwentuhan, friends na kami." Natatawa kong sambit at bumangon na, gusto ko ng kape, nagugutom na ako, hindi pa naman siguro gigising si Miss Rose dahil puyat siya, sigurado din ako masakit ang ulo nun dahil sa dami ng nainom niya.

"Sige na insan, magluluto na ako para may makain si Miss Rose paggising niya."

"Sige Kuya, mag-iingat ka ha."

Nagtungo ako sa kusina ng hubad at boxer short lang ang suot. Ang gaan sa pakiramdam na walang suot ma wig, make up at damit pambabae, kung hindi ko lang kailangan ng pera e hindi ko 'to gagawin.

Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng kape habang nagsasaing.

"Kuya, kailangan ko ng pera para sa school, may babayaran kami, nasaan ka ba? Pupuntahan kita." Text message na natanggap ko galing kay Ranna.

"Magpapadala ako ng pera kay Rosa, next month pa ako uuwi, may kontrata akong pinirmahan dito e." Reply ko, naamoy kong parang nasusunog na ang sinaing kaya agad akong tumayo at pinatay ang stove.

Akmang iinom ako ng kape ng marinig kong bumukas ang pinto. "Roselle, ipagtimpla mo nga ako ng kape, ang sakit ng ulo ko." Narinig kong sambit ni Miss Rose, sasagot sana ako pero napagtanto kong boxer short lang pala ang suot ko.

Patay!

Agad kong tinapon ang kape ko at patakbo na sanang magtutungo sa kwarto ko ng biglang, "Sino ka? Pa'no ka nakapasok dito?" Nanlalaki ang mga mata niya at binato ako ng flower vase, wala akong choice kun'di tumakbo palabas ng bahay kahit naka-boxer short lang at walang damit pang-itaas.

* End of Chapter 5 *

A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading mga dyosa! Keep rockin' 🤘

  >🎸

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now