Chapter 04

12 4 0
                                    

CHAPTER 04 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

She's weird, Iove weird people. "Let's eat, maaga tayong papasok ngayon."

"Maghahain na po ako Miss Rose, maupo na po kayo." Hinila niya ang upuan para makaupo ako.

"Salamat. Maupo ka na rin, sabay na tayong kumain."

"Ahm, mamaya na lang po ako kakain, nagkape naman ako eh, didiligin ko lang po yung mga halaman sa labas,  medyo tuyot na eh, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan pa kayo."

"Okay." Pinagmasdan ko si Roselle habang naglalakad palabas, para siyang sigang naglalakad sa kanto, hindi naman siguro siya lesbian, hilig niya ang make up eh, baka– argh! Nevermind.

Ipinagpatuloy ko ang sarili pagkain, may naaamoy talaga akong kakaiba, hindi naman body odor o mabahong paa, amoy lalake!

Napasulyap ako sa may bintana, may nakita ako lalake, madungis. "Roselle!"

"Miss Rose?"

"May lalake doon sa may bintana sa likod."

"Papaalisin ko po ba?"

"Oo, pero bigyan mo siya ng pagkain, ibigay mo na yung tinapay doon sa lalagyan natin."

Nagmamadaling kinuha ni Roselle ang tinapay at tumakbo para ibigay sa pulubi pero may nahulog sa sahig galing sa bulsa niya. Ano 'to?

"Bibigyan ko rin po siya ng tu–" Napatingin siya sa hawak ko.

"Go, bigyan mo siya ng tubig." Namumutla na siya pero patakbo pa ring lumabas para bigyan ng tubig ang lalake.

"Pinaalis ko na po siya." Sambit niya pagbalik pero sa hawak kong brief siya nakatingin.

"Is this yours? I mean," Napalunok siya ng ilang beses. "Sa boyfriend mo ba 'to?"

Dahan dahan siyang napatango. "Bakit dala-dala mo? Oh, wala akong pake alam kung sa boyfriend mo ba 'to pero bakit dala-dala mo hanggang sa pagluluto? Malinis naman 'to 'di ba?"

Tumango siya. "Nadala ko lang po 'yan, sabi kasi ni T'yang e swerte daw 'to, naniwala ako kasi wala naman pong masama kung maniniwala ako 'di po ba?"

"Aha, kunin mo na 'to." Nahihiya siyang lumapit.

Yun kaya yung naaamoy ko lagi? Pero sabi niya bagong laba naman at kung hindi, bakit siya magdadala ng underwear na hindi pa nalalabhan? That's gross.

"Pasensya na po Miss Rose, h'wag niyo po sana akong tanggalin, hindi na po mauulit."

"Sino ba'ng may sabi sa 'yo na tatanggalin kita? It's okay, h'wag na lang sanang maulit. I like weird people, girl."

Nakatungo siyang naglakad patungo sa kwarto dala-dala ang underwear.

She made my day.

"Good morning Miss Rose."

"Good morning Rosa, ano'ng ganap natin today?"

"Wala po masyado Miss Rose, nagawa na po natin lahat kahapon, next week pa po ang meeting niyo sa mga Andres."

"Okay, thank you. May pupuntahan lang ako saglit, babalik din ako agad."

"Sige po. Ay Miss, kumusta po ang pinsan ko?"

Bigla kong naalala yung nangyari kanina. "She's okay, I love your cousin, Rosa. She made my day earlier. Masipag, lahat na. All in one, thank you."

"Hehe, salamat din ako."

"Isama mo minsan yung kapatid niya, gusto ko siyang makilala."

"P-Po? Hindi po 'yon madalas lumabas Miss Rose, mas gusto niya pong nagkukulong sa kwarto, pero susubukan ko po."

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now