Chapter 27

6 2 0
                                    

CHAPTER 27 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Mabuhay ang bagong engaged!" Sigaw ni Rhialene

"Mabuhay!" Sagot nilang lahat, nasa gitna kami ng bonfire, nagkakasiyahan, umiinom ng konti.

"Ang daya! Bakit ako lang 'yong walang partner dito?" Nakasimangot na tanong ni Rosa, medyo may tama na siya, kanina pa kaso inom ng inom.

"Gisingin mo nanay mo para may partner ka rin." Biro ni Rhia at nagtawanan kami.

"H'wag na, baka kotongan ako, haha! Seventh wheel na lang ako, cheers!" Nagsasayaw na si Rosa, ang wild niya, kume-kembot at nagtu-twerk pa, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Rosa.

"Mahal, gusto mo pa bang uminom?"

Mabilis akong umiling. "Tama na 'yong ilang shot Mahal, okay na ako dun." Naalala ko 'yong nangyari nung birthday ko, lasing na lasing ako, ayokong maulit 'yon, masakit sa ulo.

Ala una na ng madaling araw, kami na lang ni Russel ang naiwan sa gilid ng bonfire, maagang natulog si Rhianna, napagod kakalangoy. Umakyat na rin sa kwarto nila sina Rhia at Rico, nakatulog na nga si Rosa sa isang upuan, binuhat lang siya ni Russel papunta sa kwarto ni Tita Racquel.

"Mahal, si Rappy nga pala?"

"Tulog na Mahal, hindi nga uminom kahit pilitin ko e, good boy." Nakangiting sambit ni Russel at inakbayan ako, malamig na, malakas ang hangin na malamang galing sa kakahuyan sa likod ng resort.

Hindi ako dinadalaw ng antok, siguro'y dahil sa sobrang saya ko, sa isang iglap engaged na ako sa lalakeng mahal na mahal ko, can't imagine na mangyayari 'to, akala ko talaga mag-isa na akong tatanda, wala nga'ng imposible, tama nga sila.

Lumipat kami ni Russel sa tabi ng pool, sa mahabang upuan na nasa gilid, nakaupo ako at nakahiga naman siya, nakaunan sa mga hita ko.

"I love you." Bulong niya

"I love you too." Sambit ko, naka-idlip na siya.

Nakatitig lang ako sa buwan, hindi siya bilog na bilog. “Hindi ka buo, nag-iisa ka pero kaya mong dalhin ang sarili mo, wala kang pakealam sa paligid mo kahit kakaiba ka, sikat ka, sumisikat ka.” Napangiti na lang ako, ang ganda ganda ng buwan, kumikinang, parang nakiki-celebrate siya sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa buwan ng biglang tumunog ang cellphone ko, sino naman ang magtetext sa akin ng ganitong oras? Quarter to three na.

Unknown number.

Nawala ang ngiti sa labi ko, parang alam ko na kung kanito 'to galing.

“Congratulations! Magsaya ka, heto na ang huling beses na mararamdaman mo 'yan."

Napalingon ako sa paligid, may mga ilaw naman sa buong resort, wala naman akong nakikitang tao.

Bakit alam nila ang bawat galaw ko? Kung nasaan ako at kahit ano'ng palit ko ng number, nagte-text pa rin sila. May nagta-traydor ba sa akin?

"Mahal, bakit? Hindi maipinta 'yang mukha mo. Sino 'yan?"

"Ha? Wala mahal, ano, ah, nagulat lang ako, alas tres na pala. Akyat na tayo sa kwarto para makapag-pahinga na tayo." Tumayo siya ta binuhat ako paakyat sa kwarto namin.

"Queen, aalis na kami, salamat sa pagpapatuloy sa amin ni Rico ng ilang araw, mas masarap nga matulog dito kaysa sa condo mo."

"Sabi sa 'yo e."

"Ngayon alam ko na kung bakit umuuwi ka pa rin dito kahit pwede ka namang matulog sa condo mo."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon