Chapter 18

11 2 0
                                    

CHAPTER 18 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Salamat po sa masarap na lunch Miss Rose, may meeting po tayo, 1:00 pm."

"Sige, saglit lang naman 'yon, may isa-suggest lang akong new product."

"Excited na po ako Miss Rose pero nagpapahinga pa po ba kayo? Namumutla na po kayo tapos ang eyebags niyo po ilang layer na."

Napahawak ako sa may mata ko, oo nga 'no. "Rosa.."

"Eh Miss Rose, sabi po kasi ni Kuya e hindi na raw po kayo nagpapahinga, pagdating niyo sa po sa bahay ay work pa rin, hindi na raw po kayo makakain ng maayos eh, nag aalala lang po siya sa inyo."

"Eh bakit hindi niya sinasabi sa akin? Bakit kailangang idaan pa niya sa iyo e sa iisang bubong lang naman kami nakatira?"

"Kalma Miss Rose. Nahihiya raw po siyang sabihin sa 'yo, natatakot,  kasi baka raw po isipin niyo na nakiki-alam siya, mahal po kayo nun e."

Mahal? "A-Ano?"

"Ah, eh, mahal. Mahal niya po ang trabaho niya, nag-iingat lang po siguro siya kasi baka masesante." Pahina ng pahina ang boses ni Rosa.

"Salamat sa concern niyo, dalawang linggo na nga akong puyat dahil sa kaka-reply at kaka-edit. Siguro bukas at saka sa Sunday ay magpapahinga ako. Bago mag-uwian, papuntahin mo dito si Riva at Ruby, kakausapin ko sila."

"Si Ruby na po ba ang mag-eedit?"

"Oo, at si Riva naman ang sa Facebook page natin."

Para na akong walang dugo, ilang araw na akong walang tulog, puyat, pagod, feeling ko mahihimatay na ako, ang sarao sigurong matulog ng maghapon at magdamag.

"Miss Rose, magsisimula na po ang meeting, kayo na lang po ang hinihintay."

"Susunod na ako, rest room lang ako saglit."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit bigla akong kinabahan.

"Ano'ng pag-uusapan natin Rose?"

"Oo nga, bakit bigla kang nagpatawag ng meeting, may problema ba?"

"Wala, walang problema.  So, eto na nga, since unti-unti namang nakikilala ang perfumes natin, bakit hindi tayo gumawa ng ibang products?  Sigurado naman akong papatok din 'yon."

"Gawa rin ba sa Rose?"

"Yeah, how about soap made of roses, marami namang gumagawa nun pero special 'yon sa atin, kailangan lang ay affordable at hindi makakasira ng balàt, dapat pwede sa kahit anong gender o kahit na sa bata at matanda. Ano sa tingin niyo?" Tanong ko at diniscuss pa ang ibang products na gusto ko.

"Nice idea, bakit ba kami magdududa sa kakayahan ng isang Rose Lyn Cervantes? Nagtiwala ka nga sa amin sa kabila ng mga nakaraan namin e syempre support lang."

Masaya akong marinig na sang-ayon sila sa akin, ang mga ka-sosyo ko at mga tauhan ko ay hindi basta-basta lang, ang ibig kong sabihin lahat sila ay mga hindi magandang nakaraan tulad ko dahil ang layunin ko ang sabay-sabay kaming makaahon sa pagkakalugmok.

"Miss Rose, excuse me po, kanina pa po tumatawag si . . . Roselle."

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam, hindi ko sinagot."

"Sagutin mo muna, malapit na matapos itong meeting, idi-discuss ko lang 'yong tungkol sa social media ng Perfume de Cervantes."

"Sige po, excuse po, sagutin ko lang sa labas."

Ipinaliwanag ko lang sa board ang target namin this month, mukhang masaya naman sila sa desisyon ko.

"Miss Rose, ayaw niya pong sabihin, ikaw po ang gusto niyang makausap, ang arte."

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now