Chapter 12

19 2 0
                                    

CHAPTER 12 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Sige, gumapang ka, ganyan nga! HAHAHAHA!! Galingan mo, mamaya ako naman ang gagapang sa 'yo."

Woohh!

Napabangon ako, pawis na pawis. Kinuha ko ang bottled water sa maliit na mesa malapit sa kama ko at uminom.

Bakit napapanaginipan ko na naman 'yon?

Kinuha ko ang cellphone ko para malaman kung ano'ng oras na, mag-aalas siete na pala.

Kumakalam na ang sikmura ko, magkakape at biscuit na lang muna siguro ako, magluluto na lang ako mamaya kapag sinipag ako.

Paglabas ko ng kwarto ay napansin kong may nakahain sa mesa, hindi pa ba umuuwi ang lalakeng 'yon?

“Good morning Miss Rose, naghanda na po ako ng almusal niyo bago ako umalis, inumin niyo rin po ang gamot mo, pagaling po kayo.”

Hinawakan ko ang pisnge ko, bakit ako ngumingiti?

Sinangag, itlog at tuyo, mukhang mapaparami ang kain ko ngayon ah.

“Queen, good morning. Miss you! Kumusta?”

Ngayon lang ako naka-tanggap ng messages galing kay Rhialene, ano na naman kayang kailangan ng bestfriend kong 'to?

"I'm okay Hiru, sila Lola kumusta?" Reply ko, tapos na akong kumain pero hindi pa nagre-reply si Rhialene, bahala siya.

Nakauwi na kaya 'yong lalakeng 'yon? Nagsasaya na siguro sila ng pamilya niya.

Sana all.

Sinubukan kong tawagan si Rosa. "Hello? Miss Rose, good morning po."

"Good morning Rosa."

"Kumusta po kayo? Papasok po ba kayo ngayon?"

Wala akong ganang mag-trabaho.

Ininom ko ang gamot at iniligpit ang mga pinagkainan ko, hinayaan kong magdadaldal si Rosa.

"Kayo Miss Rose, miss niyo na ba si Roselle?"

Bakit ko naman mamimiss 'yon?

"Oo, miss ko na siya agad."

Ay! Ba't ko sinabi 'yon?!

"Ihh!"

Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko. "Hihi, keleg."

"Anong kilig? Miss ko na luto niya, 'yon lang 'yon, h'wag mong bigyan ng meaning, hindi pa naman lumilihis daan ko." Sabi ko para hindi makahalata si Rosa, mukhang nakalimutan niya na rin ang pagpapanggap nila.

"Ha? Hehe.. Dadalhin ko na lang po d'yan mamaya 'yong mga papel Miss Rose, dadalhan ko na rin po kayo ng meryenda para hindi na kayo bumili."

"Sige, salamat."

Hinugasan ko lang ang mga pinagkainan ko bago ko tinawag ang mga alaga ko.

Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon?

"Meowy, Catty? Kakain na."

Hindi kaya nakalabas ng gate 'yon?

"Meowy, Catty. Pati ba kayo iniwan ka rin ako?"

Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ni Russel.

"Meowy, Catty?"

*Meow*

Nasa loob ng kwarto? Kinulong niya ba ang mga alaga ko?

*Meow*

Pagbukas ko ng kwarto ay naabutan ko ang dalawang pusa na nakahiga sa kama.

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now