Chapter 21

13 2 0
                                    

CHAPTER 21 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Wow, wow! Para tayong twins Ate thorns, bagay sa atin ang gupit natin may highlights nga lang 'tong sa 'kin."

"Bagay sa 'yo, marami na naman ang magkakagusto sa 'yo n'yan." Sabi ko, hinihintay lang namin si Russel, kanina pa siya tapos gupitan at kinukuha niya lang 'yong kotse para makauwi na kami.

"Kukunin ko lang 'yong mga stuff toys na nakuha natin sa arcade kanina." Sabi ko kay Rhianna, naiwan ko kasi sa Salon.

"Samahan na kita Ate."

"H'wag na, baka hindi ka makita ng Kuya mo so hintayin mo na lang siya."

Pabalik na ako sa Salon ng makasalubong ko ang isang staff ng Salon dala-dala ang mga stuff toys.

"Ma'am, nakalimutan niyo po."

"Oo nga eh, babalikan ko nga sana, salamat ha."

"You're welcome." Naglakad ako pabalik sa kinaroroonan ni Rhianna habang nakatingin sa phone ko, ang dami palang chats sa akin nila Ruby, hindi ko manlang namalayan.

"Wow, wow, wow!!"

Napatingin ako kay Rhianna, nakatingin siya sa kotseng tumigil sa tapat niya. 

"Omg! Ang pogi mo Kuya!!"

Nakangiting lumabas si Russel, literal na nabitawan ko ang mga dala-dala kong toys, ang gwapo niya, bagay sa kanya ang haircut niya, ibang-iba siya ngayon, kung hindi ko kilala na si Russel siya, iisipin kong ibang tao siya. 

"Pwedeng kiligin." Bulong niya paglapit niya sa akin para pulutin ang mga nahulog ma stuff toys.

Napangiti na lang ako. "Bagay ba sa 'kin?"

"O-Oo, ang gwapo mo tingnan."

Parang hindi niya na ako Boss kung kausapin niya ako ah, but it's okay, hindi ko na rin naman siya tinitingnan as my worker, as a friend.

* (Talaga? As a friend lang?) *

"Ano'ng masasabi mo sa haircut namin Kuya? Bagay ba? Maganda ba?"

"Maganda."

"Eh bakit kay Ate thorns ka lang nakatingin? Ikaw ha, may favoritism ka."

"Maganda ka Ranna, palagi naman e."

"Aw, so sweet naman, thank you Kuya."

"Pero mas maganda si Miss Rose."

Pakiramdam ko biglang namula ang pisnge ko.

"Ay true naman 'yan, sa kanya nga ako nagmana e."

Ganito rin kaya sana kami mag-bonding ni Ririe kung close kami? Ang saya siguro kung magkatabi kami matulog tapos magku-kwentuhan kami about sa mga crush niya, tutulungan ko siyang mag-ayos, ng mga susuotin niya, make ups niya, magpapa-salon kami, twinning sa haircut, sa mga cutics, sa mga outfits.

"Hiru?"

"Hi Queen, kumusta? Pasensya na, sobrang busy."

"Noong isang araw pa nga kita tinatawagan e, kumusta sila?"

"Ayos lang, masaya naman sila."

Buti pa sila, masaya. "Na wala ako? I mean, mabuti naman."

Napatingin sa akin si Russel. "Pwede ba tayong magkita next week? Punta ka dito."

"Next week? Hindi ako pwede, birthday ng boyfriend ko pati na rin ng Papa ko, magse-celebrate kami."

Ayaw niya ba akong makita o sadyang ayaw niyang magpunta dahil iniiwasan niya ang mga itatanong ko.

DANGEROUS Danger RoseWhere stories live. Discover now