Chapter 23

14 2 1
                                    

CHAPTER 23 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

"Good morning Mahal." Bigla siyang bumangon.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kitang gisingin, binuhat kaya kita dito kagabi, nakatulog ka na naman sa sala. Bangon na Mahal, kakain na tayo." Nakanguso lang siya at nakatingin sa akin, ibang-iba sa Rose na nakilala ko noong una, masaya ako na mas nakikilala ko siya ngayon.

Hinalikan ko siya sa noo. "I love you." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay, ngumiti naman siya agad.

"Rose.."

"Hmm?"

"Salamat."

"Saan?"

"Sa lahat."

"Nagda-drama ka d'yan, ako nga dapat 'yong magpasalamat sa iyo eh, mas nakikilala mo na ako ngayon, 'yong sweet side ko, 'yong tino-toyo minsan, this is the real me Russel."

"Mahal naman kita, may toyo man o wala."

Nagsimula na kaming mag-almusal, tuyo, itlog at kamatis lang ang ulam namin, sabi kasi ni Rose mas nabubusog raw siya kapag ganito ang ulam.

"Mahal, sigurado ka bang pupunta tayo ngayon kila Tita Raquel?"

"Oo, pagkatapos nating magsimba. Bakit Mahal? Ayaw mo ba?"

"Ah hindi, gusto ko nga e,  namimiss ko ma sila."

Ang bilis ng araw, 'yong MISS ROSE dati, MAHAL na ngayon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may girlfriend na ako. Mag-iisang buwan na kami, ang bilis talaga ng oras kapag in love ka.

"Mahal, si Meowy at Catty?"

"Nasa kwarto ko Mahal pero kumain na sila kanina."

"Favorite ka nila, ang daya."

"Favorite ka rin nila, ikaw ang Mommy nila e, naglalambing lang sa akin ang dalawang 'yon, ayaw siguro nilang umalis ako."

"H'wag ka na aalis ha, kung may desisyon man ako sa buhay, h'wag mo akong iiwan ha." Biglang lumungkot ang mga mata niya.

"H'wag mo na solohin ang problema mo ha, nandito na ako, sa tabi mo lang lagi at wala akong balak na iwan ka kahit pa dumating 'yong araw na ipagtabuyan mo ako. Mahal kita Rose, hindi ko alam kung bakit o kung saan at paano nagsimula pero hindi na importante 'yon, ang mahalaga'y Mahal kita at wala akong ibang gagawin kun'di mahalin ka hanggang nabubuhay ako."

"Thank you, I love you." Pinipigilan na naman niyang umiyak, alam kong masaya siya, nararamdaman ko 'yon.

"Tama na nga 'tong drama na 'to, ang aga aga e, basta maging masaya lang tayo. Maligo ka na at ako na ang bahala dito sa mga pinagkainan natin."

"Ikaw na muna ang maligo Mahal, trabaho ko 'to."

"Oo nga pero tulungan tayo ngayon. Sige na, h'wag na kumontra."

"Maligo ka na rin pagkatapos d'yan ha." Hinalikan ko siya sa noo.

"Amoy tuyo." Bulong niya at nagtawanan kami.

"Hello? Ranna, hindi ko nasagot kanina, sorry, naliligo ako e."

"May lakad ka Kuya?"

"Kapag naligo may lakad? Araw-araw naman ako naliligo ah."

"E 'di araw-araw ka may lakad , HAHAHAHAH! Baka naman gusto mo lagi kang mabango para hindi ma-turn off sa 'yo si Ate thorns."

"Mabango man ako o hindi, mahal ako nun."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon