Chapter 07

17 3 0
                                    

CHAPTER 07 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Bakit? Ano'ng nangyari? Nasaan si Lola? Kumusta s'ya?" Taranta kong tanong, kahit gano'n sila sa akin, mahal ko pa rin sila.

"Nandito siya, okay naman siya." Nakahinga ako ng maluwag.

"Okay naman pala siya eh, kinabahan naman ako sa 'yo."

"Oa mo kasi Queen."

"Oa kasi ang pag-deliver mo ng line, ang tono kasi ng boses mo e parang may nangyaring masama sa kanya." Sabi ko

"Sorry naman, gusto ko lang sabihin sa 'yo na alam na niya, alam n'yang sa 'yo galing lahat."

"Pa'no niya nalaman?" Tanong ko at napasulyap kay Roselle, nag-aayos siya ng wig.

"Tinanong niya kay Mama kung saan ako galing, kinonsensya si Mama kaya hindi niya tayo napagtakpan, sinabi raw na ang tanda-tanda niya na tapos niloloko pa, hindi na raw siya iginalang."

Napailing ako, may point naman. "Ngayong alam niya na sa akin galing lahat ng pagkain at gamit, nagalit ba siya?"

"No comment daw eh, pagkasabi raw kay Mama nun e tumalikod na at hindi na pinansin si Mama."

"Pasensya na Hiru, nadamay pa kayo. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na hindi na nila ako tatanggapin sa pamilya nila. Ang saya naman talaga ng buhay ko." Malungkot kong sambit sabay buntong hininga. Mukhang kailangan kong uminom ulit ng alak kahit may hang over pa ako.

"Sige na Hiru, salamat, iinom na lang ako ulit."

"Umiinom ka ng alak? Kailan pa? Hoy Queen, walang aalalay sa 'yo d'yan 'no!"

"Alam ko, mag isa lang ako, tagal na ngang walang umaalalay sa akin eh. More alcohol the day after my birthday." Sabi ko at tumawa, peke.

"Oo nga pala, birthday mo kahapon, happy birthday Queen! Sorry hindi ko naalala."

"Ikaw nga lang ang inaasahan kong babati sa akin e tapos kinalimutan mo pa ako Hiru, nakakatampo ka. Mabuti na lang at nandito si Roselle, dinamayan niya ako, ang gaan ng loob ko sa kanya, kalmado nga ako kapag alam kong nand'yan siya sa paligid ko."

Sinulyapan ko ulit si Roselle, naghuhugas na siya ng mga plato.

"Ay Queen baka iba na 'yan ha, allergy ka sa mga lalake tapos babae ang kasama mo d'yan sa house, baka lumihis ka ng daan ha, sayang ang magandang lahi." Tumatawang sambit ni Rhialene, napaisip ako, hindi ... magaan lang talaga ang loob ko sa kanya, pareho kasi kami ng pinagdadaanan sa buhay at tutulungan ko siya lalo na't ako ang nakakaluwag-luwag.

"Sige na Hiru, kailangan ko ng maligo, papasok pa ako, balitaan mo na lang ako ng mga nagyayari kila Lola ha." Paalam ko, alam kong hindi niya na naman ako titigilan sa mga kwento niya, hindi pa naman nawawalan ng kwento sa katawan ang babaeng 'to.

"Okay, bye. Mag-boyfriend ka na Queen, please. Lumabas ka na d'yan sa comport zone mo, try new things, thank me later."

"Tsk, bye Hiru, the bugaw bestfriend." Napailing na lang ako, ano'ng bago? Everytime na mag-uusap kami ni Rhialene, palaging nagtatapos sa, “mag-boyfriend ka na” o 'di kaya'y, “kailangan mo ng lalake sa buhay mo.” at marami pang iba, iniisip ko pa lang ang word na “lalake” hindi ko na kaya, pa'no pa kapag nakaharap ko na?

Aishh!!

"Miss Rose, ayos lang po ba kayo?"

"H-Ha? Ayos lang ako, bakit?"

"Kanina pa po kasi kayo nakatayo d'yan, hindi manlang kayo kumukurap."

Ang tagal ko nga yatang tulala, tapos na siyang maghugas ng mga pinagkainan namin e. "Iniisip ko lang 'yong nakita ko kanina, kapag nakita ko ang lalakeng 'yon, ipapa-pulis ko siya."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon