Kabanata 2

1.5K 23 1
                                    

Kabanata 2:
Grant Benjamin

Threscia Alessandra's Point of View

"Nasa Pavilion po si Madam Tiffany. Samahan ko na po kayo patungo sa kaniya," tugon nito na ikinatango ko lang. Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kaniya. 

Tahimik ang buong mansion at mabuti na lang ay hindi ako nag-heels ngayon dahil baka mag-iingay ito pagkatapak ko rito. Patuloy ko lang sinusundan ang kasambahay.

Lumabas kami sa isang pinto at bumungad na nga sa akin ang Pavilion. Ang daanan patungo sa pavilion ay napalilibutan ng mga fresh na bulaklak. Rinig na rinig ko rin ang mga huni ng ibon na lumilipad at ang paglagaslas ng tubig sa fountain.

It's a paradise. 

"Nandito na po tayo, Miss Threscia," kalaunan ay nagsalita ang kasambahay kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Thank you po," magalang kong tugon at yumuko ito sa akin bago ako iniwan. Binalik ko na ang tingin ko sa isang gazebo na kung saan ay nakaupo mula roon si Tita Tiffany habang may binabasa at nakasuot ng Allover Floral Print Criss-cross Maxi Cami Dress.

Maputi at maganda si Tita Tiffany, model sila dati ni Mom kaya sexy pa rin sila hanggang ngayon at maganda. Naka-bun si Tita at mukha talaga siyang diwata. Isa siyang Pinay gaya ni Mom. 

Pansin ko rin ang isang tasa at takuri na nasa mesa niya. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

"Tita," tawag ko sa kaniya dahilan para malipat sa akin ang tingin niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at nilapag ang binabasa niya sa mesa para salubungin ako.

Tumayo ito at agad ko siyang niyakap at nakipagbeso.

"Iha, you're here. Your Mom texted me that you're coming. Let's sit," wika ni Tita at hinawakan nito ang kaliwa kong kamay at iginiya para umupo. Pagkaupo namin at nilapag ko ang flower tea sa mesa at nilapit iyon sa kaniya.

"Binilhan ko po kayo ng flower tea," kalaunan ay sambit ko na ikinangiti niya. Kinuha niya naman ang paper bag at nilagay sa tabi niya. Kapagkuwa'y tumingin siya sa akin. 

"Thank you for this, Threscia. I really want you for my son," hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa tinuran ni Tita. 

"Salamat po, Tita. Sabi ni Mom ay may ibibigay raw po kayo sa kaniya. Ako po ang inutusan niya para kunin ito," tugon ko na ikinatango niya. 

"Right," aniya at may kinuha na isang paper bag sa tabi niya. Kapagkuwa'y inabot niya ito sa akin. Napatingin ako roon at agad namang tinanggap. Kalaunan ay nilapag ko iyon sa tabi ko. 

"Thank you po, Tita. Nasaan po si Grant?" Napasulyap ako sa kaniya para itanong iyon. Hindi ko kasi tinatawag na 'Kuya' si Grant kahit na mas matanda siya sa akin ng apat na taon. I'm just 17 years old and he's already 21 years old. 

"May pinuntahan lang, anak. Babalik din siya maya-maya," tugon niya na ikinatango ko lang. Kung gano'n ay hihintayin ko na lang siya dahil hindi ako aalis sa mansion na ito hangga't hindi ko siya nakikita. 

Inabot ni Tita ang teacup niya at humigop doon habang nakatingin sa akin. Bigla naman akong na-conscious sa itsura ko ngayon. Inilayo niya ang teacup sa labi niya nilapag ulit iyon. 

"You're pretty, iha. How are you and my son? Hindi ko ba alam kay Grant, nasa iyo na ang lahat ng gusto ng isang lalaki sa isang babae. Malapit ko nang isipin na bakla ang anak ko," natatawang wika niya dahilan para mapatawa rin ako.

Ako rin ay iisipin kong bakla si Grant kung hindi ko alam ang tungkol sa relasyon niya sa kasambahay namin. 

Kung alam mo lang Tita na may girlfriend na si Grant, you won't stay still. Tumigil na akong tumawa at bumuntong-hininga. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now