Kabanata 5

1.2K 15 2
                                    

Kabanata 5:
Threat

Threscia Alessandra's Point of View

Tita Tiffany's raucous voice echoed on the four corners of the Bristo making Grant's attention dart in our direction. He directly looked at me and I just bowed my head a bit because of it. 

I don't know but I'm starting to get concerned about what might happen today. Baka akala niya ay sinumbong ko sila ni Bethany. Bumuntong-hininga na lang ako at bahala na kung ano ang mangyayari. 

Tunay nga na walang sikretong hindi nabubunyag. Tadhana na ang gumawa ng paraan para mabunyag ang relasyon nilang dalawa.

"Mom," Grant spoke in a nervous tone. Inangat ko ang ulo ko at sumulyap sa pwesto nila. Napalingon din si Bethany sa pwesto namin at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa amin. 

Napansin ko na kinakabahan na siya ngayon dahil nanginginig na ang mga kamay niyang nakapatong sa mesa. Well, she should be. Napatingin ako kay Tita nang tinungo niya ang direksyon nila. Ako naman ay sumunod lang.

Nang makalapit kami sa pwesto nila ay inabala ko ang tingin ko sa paligid dahil ramdam ko ang titig ni Grant. 

Mabuti na lang at walang masyadong tao rito sa Bristo. Mukhang abala naman ang lahat at may sari-sariling mundo dahil hindi 'man lang nila pinansin ang nangyayari ngayon.

I crossed my arms as I heard Tita's voice.

"Why are you with one of the Qiao's maids?" Napasulyap ako kay Tita at tumaas na ang isang kilay niya. Napadako naman ang tingin ko kila Grant na seryoso pa rin ang mukha kahit bistado na sila ni Bethany.

Nilipat ko ang tingin ko kay Bethany na hindi maipinta ang mukha niya dahil sa labis na takot. Napailing na lang ako dahil dito. 'Yan kasi, ang landi niya. 

Kilala ni Tita Tiffany si Bethany dahil madalas din siya sa mansion kaya halos lahat ng mga kasambahay namin ay kilala na niya. 

"What is your relationship with her?" Sunod na tanong ni Tita. Bubuka na sana ang bibig ni Bethany ngunit hindi iyon natuloy dahil hinawakan ni Grant ang kanan nitong kamay na nakapatong sa mesa.

Sinamaan ko ng tingin si Bethany na nakayuko na ngayon. Agad naman akong nakaramdaman ng kirot sa dibdib ko nang makita ko ang magkahawak nilang kamay. 

Tinapunan ko saglit si Tita ng tingin at nakita ko na nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin din sa kamay nila.

"A... Are you in a relationship with that m... maid?" Naguguluhang wika ni Tita. I then felt that the atmosphere here became heavier because of the question. Inaabangan ko naman ang sagot ni Grant. 

"Yes, Mom. I'm in a relationship with Bethany. And please, don't call her maid, she has a name. Bethany is my girlfriend," pag-aamin ni Grant dahilan para mapatingin ako sa kaniya at rinig ko ang pagsinghap ni Tita TIffany sa tabi ko. 

Hindi ko alam pero nanunubig ang mga mata ko pagkarinig ko sa pag-amin niya. Umiwas ako ng tingin ay palihim na tumingala para pigilan ang luhang nagbabadya na tumulo. 

Hindi ko inaasahan na aamin na siya. 

"She's still a maid," masungit na sambit ni Tita Tiffany sa tinugon ni Grant. Binalik ko naman ang tingin ko kay Bethany na nakayuko pa rin hanggang ngayon.

"I... I don't believe this. I m... must be dreaming," hindi makapaniwalang komento ni Tita Tiffany at napatingin ako sa kaniya nang napahawak ito sa braso ko. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat dahil sa narinig mula kay Grant. 

"You must end your scandalous relationship with that maid or else I'll do everything to ruin that mere girl! You know me son," may halong banta sa tono niya at napaigtad naman ako sa biglaang pagsigaw ni Tita na ikinatayo ng mga balahibo ko. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now