Kabanata 4

1.2K 18 0
                                    

Kabanata 4:
Caught

Threscia Alessandra's Point of View

"When did you start to volunteer?" I asked and seated on the bench under the Narra tree. Sumulyap ako sa kaniya nang umupo ito sa tabi ko. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti dahil katabi ko siya. Umiwas na ako ng tingin at pinagmasdan ang mga bata na naglalaro sa labas. 

"3 years ago. My parents always donated at your orphanage and I decided to help," tugon niya na ikinatango ko lang. Kung gano'n ay medyo matagal na rin pala silang nagd-donate dito sa orphanage namin. 

Bigla kong naalala na kasama niya pala si Bethany kanina kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito.

"Akala ko magtatagal ka kasama si Bethany," pag-iiba ko sa usapan at sumulyap sa kaniya. Nakita ko naman na nakatingin lang siya sa kawalan habang nasa magkabila niyang hita ang mga kamay niya.

I cocked my head to fully get a view of his face. I admit he's so good-looking and well-built. He had a Viking - black hair, bristly eyebrows, tall nose, concrete jaw, and defined cheekbones. 

Halata rin ang singkit niyang mga mata na nagpapadagdag sa angkin niyang kagwapuhan. Bumuntong-hininga na lang ako at umiwas na ng tingin. Ang swerte ni Bethany dahil nakuha niya ang atensiyon ni Grant.

"I'm going," iyon na lamang ang naitugon niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Agad namang nagtama ang mga mata namin. Dahil hindi niya sinagot ang tanong ko ay kumunot ang noo ko. 

Nag-away ba sila ni Bethany? 

"Sabay na ako sa'yo," ani ko at maya-maya ay tumango naman siya sa akin. Tumayo na ito kaya tumayo na rin ako. Bago kami umalis ay nagpaalam muna kami kila mother superior at sa mga bata. Nabisita ko naman na sila at naibigay ko na ang sadya ko. Babalik pa naman ako rito. 

Naghiwalay na kami ni Grant paglabas namin dahil may kaniya-kaniya kaming sasakyan. Pagkapasok ko sa kotse ay tumingin ako sa labas at nakita ko si Grant na sumakay na sa kotse niya at pinaharurot na ito. 

Umandar na rin ang sinasakyan ko at mabilis kaming nakarating sa mansion. Binitbit ko na ang paper bag at lumabas mula sa kotse. Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko sila Dad na nasa sala at may pinag-uusapan. 

Nakangiti akong lumapit sa kanila at nang maramdaman nila ang presensya ko ay ngumiti sila sa akin. Sinalubong ko sila ng yakap at kalaunan ay humiwalay rin kami sa isa't isa. 

"Here's the gift from Tita Tiffany," I spoke and handed to my Mom the paper bag I'm holding. She just gave me a genuine smile.

"Thank you, princess. I heard from your Tita Tiffany that you're with Grant earlier," Mom teased as she wiggled her brows making me giggle. 

"Yes, Mom," masaya kong tugon na ikinahagikgik niya. Nilapag naman ni Mom ang paper bag sa center table. 

"That's a good thing. Right, let me remind you that we'll meet your fiance this coming Saturday," kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mom sa akin. Akala ko kasi ay nakalimutan na nila ang tungkol diyan.

Bumuntong-hininga ako at sumimangot dahil sa narinig ko. 

"Mom, I don't want to get married yet and I have someone in my heart," I spoke in a quiet gentle voice but it's enough for them to hear it. Gusto ko na si Grant lang ang maging asawa ko. I don't want somebody else. 

Hinawakan ni Mom ang kanan kong kamay at iginiya ako para mapaupo sa gitna nila. Humarap ako kay Mom nang hinawakan nito ang dalawa kong kamay. 

"Anak, ie-engage pa lang naman kayo at nasisiguro ko na magugustuhan mo ang ipagkasusundo namin sa'yo," nakangiting turan niya at umangat ang kaliwa nitong kamay para haplusin ang buhok ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa sinabi niya. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now