Kabanata 16

1.2K 19 3
                                    

Kabanata 16:
Jealous

Threscia Alessandra's Point of View

Suddenly, my heartbeat got increased as I wasn't able to move and tried to process Grant's words. I don't know what to say, I'm speechless. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at ganito ang inaakto niya.

Totoo kaya ang mga ito o baka palabas niya lang? Ay hindi ko alam, huwag ko na muna sigurong isipin 'yon, ang mahalaga ay nagbago na ang pakitutungo niya sa akin na dapat kong ipagdiwang.

Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan iyon ng excitement na lalong pagbutihin ang pagp-perform mamaya. Ikaw ba naman makatanggap ng gano'n na mga salita mula sa taong mahal mo, hindi ka ba matutuwa?

Nang mapansin niyang hindi pa ako nagsasalita dahil sa labis na pagkabigla ay tumalikod na at hahakbang na sana siya nang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya mula sa likuran.

I then clasped my fingers as I hug him. I felt him paralyzed from his spot when he felt my hug. Sumandal ako sa likod niya at agad kong naamoy ang panglalaki niyang pabango na Creed Adventus ang brand at ang flavor nito ay Black Currant.

As far as I remember, Creed Adventus is worth 17,935 in Philippine Peso Bill so it's kinda expensive.

"Thank you, Grant. Don't worry, I won't let you down. I'll do my best and I'll  perform safely. Magpapakasal pa ako sa'yo," bulong ko at naramdaman ko namang hinawakan niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya na ikinangiti ko.

All of a sudden, I felt full and wonderfully alive.

"That's my fiancee. Good luck, Threscia," lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya akong 'fiancee'. 

"Thank you," tugon ko at binitawan na siya. Kalaunan ay humarap siya sa akin. 

"Pres, it's time," napasulyap ako kay Blaire nang tawagin niya ako. Ngumiti lang ako at tumango sa kaniya. Maya-maya ay nakisama na ito sa team. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Grant.

"Ahmm, iwan na muna kita," paalam ko na ikinatango lang ni Grant. Pagkatapos n'on ay sumunod na ako kay Blaire at pumwesto na sa gitna dahil ako na lang pala ang wala habang naka-entrance formation na sila.

 Sumulyap ako ulit kay Grant na lumabas na mula sa backstage. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang buhok ko na naka-bun. Naka-bun lahat ng buhok naming mga babae para walang sagabal mamaya.

I then closed my both fingers and placed them on my hips. 

"And now, for the third contender; let's welcome the reigning champion from Hearthstone University, Hearth Monarchs! Give them some noise," Ms. Brielle announced making the crowd roared and cheered our team.

Nagsimula na kaming maglakad palabas sa backstage at nagsimula nang mag-cheer ang Hearthstoneans.

"1, 2, 3, go H-E-A-R-T-H Monarchs!" sumabay na rin kami sa cheer habang naglalakad kami papunta sa gitna. 

Habang nagc-cheer ang Hearthstoneans ay agad na nag tumbling ang dalawang ka-team ko sa gilid at ako naman ay tumalon pataas na agad naman akong sinalo ng dalawang base na lalaki.

Pumatong ako sa kamay nila at itinaas ko ang dalawa kong kamay. Kapagkuwa'y nag-tumbling ako sa taas at sinali naman ako kaagad ng dalawang base na umani ng hiyawan at palakpakan mula sa crowd.

Binaba na ako ng dalawang base at rinig ko naman na nag-chant na ang schoolmates namin ng official cheer namin habang ginagawa namin ang intro ng stunts namin. 

"Who's gonna win? Who's gonna win?" 

"Hearth Monarchs! Hearth Monarchs!"

"V-I-C-T-O-R-Y, Hearth Monarchs!"

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now