Kabanata 19

1.1K 15 3
                                    

Kabanata 19:
Encounter

Threscia Alessandra's Point of View

I tried to open the lid of the bottle of mineral water I'm holding but it was too tight. I just sighed and gave up on opening it. 

"Give me," napatingin ako kay Grant nang umupo ito sa tabi ko. Agad kong naamoy ang pabango niyang Creed Adventus na medyo nahaluan ng pawis dahil siguro sa laro. Nonetheless, he still smells good and manly. 

Our eyes met and he's just eyeing me and waiting if I'll give him the bottle or not. I beamed and offered the bottle of mineral water to him.

He accepted it and opened the lid effortlessly. He then removed the lid of it and gave me. Tinanggap ko naman 'yon at nagpasalamat sa kaniya. Umiwas na ako ng tingin para uminom sa plastic bottle.

Nang maginhawaan ako ay sinara ko na ulit at nilagay sa baba. Kalaunan ay kinuha ko ang sports bag niya na nasa tabi ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga damit niya, wallet, phone at face towel. 

Kinuha ko ang face towel at sumulyap kay Grant na nasa tabi ko lang. Inabot ko 'yon sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa akin. Tinanggap niya naman 'yon. 

"Kuha lang ako ng gatorade," paalam ko ngunit hindi pa rin siya umiimik. He's just looking at me, intently as if he's memorizing my face. 

"No need, it's coming this way," he said.

"Here," nalipat ko ang tingin ko kay Blaire nang magsalita siya at nag-abot ng isang bote ng gatorade kay Grant. Tinanggap naman ni Grant 'yon at bago umalis si Blaire ay binigyan niya muna ako ng isang ngiti na nang-aasar. 

She also wiggled her brows into me making me raise a brow. Humagikgik lang ito at umalis na sa harapan namin. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Grant na umiinom na ngayon ng gatorade. 

Bumaba ang tingin ko sa adam's apple niya na tumataas at baba iyon dahil sa paglagok niya. Umiwas na ako ng tingin nang mapagtanto ko na iba na naman ang naisip ko.

"Threscia..." my heart started to pound like wild when Grant called my name. Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng isang nagtatanong na ekspresyon.

"Hmm?" My voice went singsong as our eyes met. He then immediately looked away.

"It's nothing, forget it," kalaunan ay aniya na ikinatango ko lang. Napansin ko naman na basang-basa ng pawis ang likod ng suot niyang padded shirt. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Give me the towel and stand," I then spoke. Binalik niya sa akin ang tingin niya at tumango. Sinunod niya naman ang sinabi ko. 

Nang makatayo siya ay pumunta ako sa likod niya para punasan ang basang pawis sa loob. I then entered my left hand inside of his shirt and I immediately felt his sweat towards my palm even if I'm holding a face towel. 

Hindi na ako pumatong sa bleachers dahil hindi naman nalalayo ang height namin. Matangkad kasi ako kaya hindi ko na kailangang pumatong sa bleachers. I then gently wipe his sweat using the face towel. 

Grabe, pawis na pawis talaga siya. Nang mapunasan ko na ay inilabas ko na ang panyo mula sa loob at kumuha ulit ng isang face towel sa sports bag niya. 

Nilagay ko naman doon ang basang-basa na face towel. Animo'y binasa iyon ng tubig. Nang makakuha ako ng tuyo na bimpo ay nagsalita ulit ako.

"Ahmm, face me," mahina kong ani ngunit sapat na iyon para marinig niya. Maya-maya ay humarap naman siya sa akin. Itinaas ko na ang kaliwa kong kamay para abutin ang noo niya. 

Agad kong idinampi ang face towel sa noo niya at pinunasan ang pawis niya pababa sa gilid ng mukha niya. He was just staring at me while I'm doing it. Kinalma ko ang sarili ko kahit pa na kinikilig ako. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now