Kabanata 10

1.3K 19 0
                                    

Kabanata 10:
Engagement Party

Threscia Alessandra's Point of View

"You're a goddess, my dear," napangiti ako sa papuri ni Tita Tiffany habang nakatingin sa akin. Nandito ako sa isang presidential suite sa hotel ng mga Yuan habang hinihintay na tawagin ako ng event organizer.  Kasama ko ngayon ang mga magulang ko at magulang ni Yuan.

Ngayon kasi ang engagement party namin ni Grant at napag-alaman ko na may mga press na imbitado sa piging para i-feature ang balita. 

At today's engagement party, my parents and Grant's parents invited their close friends which of their friends are all politicians. I wonder if Foster and his parents are invited. 

"Nagmana siya sa akin, balae," proud na proud na sambit ni Mom kay Tita Tiffany na ikinangiti niya.

"Tama. Hindi na ako maiinggit na magkaroon ng isang anak na babae dahil magiging anak ko na rin si Threscia," masayang wika ni Tita Tiffany. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti habang iniisip ko na ganap ko nang fiance si Grant pagkatapos ng gabing ito.

Tumitig ako sa reflection ko sa vanity mirror ko. My hair is tied in a tight bun and I had a little tiara on top of it which matches my dress. 

"Anyway, iwan ka na muna namin dito, my sweet. We'll just welcome your guests," napatingin ako kay Mom mula sa salamin at tumango lang. Nang makaalis silang apat ay huminga ako ng malalim at inabot ang phone ko sa ibabaw ng mesa na katapat ko.

My forehead creased when I noticed that Foster sent me a chat message. I abruptly read it. 

Foster Chance. It's your engagement with Grant today, right?

Threscia Alessandra. Yes.

Foster Chance. Hmmm, I thought I have a chance.

Napatigil naman ako saglit at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa sa ch-in-at niya. What does he mean by chance? Ayaw kong mag-assume dahil masakit. Para malaman ko kung ano'ng chance ang tinutukoy niya agad akong nag-type ng reply. 

Threscia Alessandra. What chance?

Foster Chance. It's nothing, don't mind it :). Anyway, we're going to attend your party. In fact, we are already here in the lobby. 

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko na nasa baba na si Foster. 

Foster Chance. I don't see you here. Where are you?

Threscia Alessandra. Presidential Suite 303. 

Foster Chance. Alright.

Pagkatapos n'on ay nakita ko na hindi na siya nag-chat pa. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Huminga lang ako ng malalim at napailing. Inabot ko ang pouch ko sa mesa at binuksan iyon. Kapagkuwa'y nilagay ko ang phone ko sa pouch.

Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok ng tatlong beses sa pinto. Sumulyap ako roon at tumayo. Siguro, si Ms. Andra na ito. 'Yong event organizer na h-in-ire ni Mom. Inayos ko muna ang nakusot na laylayan ng dress ko at tinungo ang pinto.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit iyon. Kapagkuwa'y binuksan ko ito at ang kanina'y ka-chat ko lang na si Foster ay nasa harap ko na ngayon. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong ngumiti siya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. He's wearing a formal suit and he looks more handsome in suit. 

"Hi there, beautiful," bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko at napatingin sa kaniya. Oo at palagi akong nakaririnig ng 'beautiful'. But when Foster called me 'beautiful', it hits different. Ngumiti rin ako at hindi pinansin ang kakaibang nararamdaman ko. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora