Kabanata 13

1.1K 23 4
                                    

Kabanata 13:
Chicken Wings

Threscia Alessandra's Point of View

I heaved a deep sigh as I make my way to the guardhouse. Pagkarating ko roon ay kinausap ko agad si Kuya Guard tungkol sa iniwan ni Kuya Lars. Nang maibigay niya ang box ng cupcake na may handle ay nagpasalamat ako sa kaniya.

I then took a glance at the wristwatch I'm wearing to see the time. It's already 10: 24 AM and it is still our break time but we have no classes this week so I can go out now. Paglabas ko ay tinungo ko ang waiting shed para mag-abang ng taxi. 

Hindi naman nagtagal ay may huminto kaya lumapit na ako at binuksan ang pinto ng backseat. Pagpasok ko ay nagsalita agad ako.

"Kuya, Sacred Monarch University po," ani ko at nilapag ang cupcakes at paper bag sa tabi ko. Tumingin ako sa rear view mirror na kung saan nakikita ko ang pagtango ng taxi driver. Sinara ko na ang pinto at pinaharurot na niya ang taxi.

I opened my bag and took my wallet and my phone out. Kumuha ako ng 200 pesos cash sa wallet ko bago binalik ang wallet sa loob ng bag ko. I then unlocked my phone to send Foster a chat.

Nang ma-open ko ang data at Messenger app ko ay nakita ko na active si Foster kaya ch-in-at ko siya.

Threscia Alessandra. Hi, I'm on my way. Where are you?

Hindi nagtagal ay agad din itong nag-seen. Nakita ko ang tatlong dot na umaalon at alam kong typing na siya.

Foster Chance. Football field, Threscia. But I'll wait for you in the guardhouse.

Siguro ay nageensayo rin sila. 

Threscia Alessandra. Ahmm, it's okay. I can ask direction naman, baka naabala pa kita.

Foster Chance. No, it's okay. Don't think about it. Be careful on your way :)

Threscia Alessandra. Thank you :)

Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako tapat ng main gate ng Sacred Monarch. Saktong 200 pesos ang babayaran ko kaya inabot ko na sa taxi driver 'yong bayad. 

Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at binitbit na ang paper bag at cupcakes bago lumabas. 

Sinara ko na ang pinto at umalis na ang sinakyan kong taxi. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng Sacred Monarch. 

Kapansin-pansin din ang malaking plaque sa bukana na may nakaukit na malaking SACRED MONARCH UNIVERSITY at pati na rin ang logo nito. Indeed, just like Hearthstone University, Sacred Monarch is an elite university also. 

"Threscia," rinig kong tawag sa akin ni Foster at agad kong hinanap kung saan siya. Natigil ang paglinga ko ang mahagip ng mga mata ko siya. Nakangiti siya sa akin habang nakapamulsa. 

Lumapit na ako sa kaniya at napansin ko na halatang kagagaling niya lang sa practice nila dahil pawisan pa siya at nakasuot ng pula na jersey. Kung gano'n ay pula ang kulay ng jersey nila. 

"Ahmm, naistorbo yata kita sa training ninyo," nahihiya kong panimula ngunit umiling lang siya sa akin. Kahit na pawisan siya ay kaaya-aya iyon sa pang-amoy ko dahil hindi naman siya maasim. Amoy johnson's baby powder, just kidding.

Nang maalala ko ang sadya ko ay inabot ko sa kaniya ang paper bag at cupcakes.

"I baked the cupcakes," ani ko at nakangiti niya namang tinanggap iyon. 

"Thank you for this. Let's go inside?" Aya nito at hindi ko naman maiwasan ang hindi makaramdam ng excitement nang makapapasok na ako sa Sacred Monarch. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon