Chapter 01

78.4K 3.1K 1.1K
                                    

Chapter 01

Kairita naman.

Minsan na nga lang ako magka-crush, hindi ko pa alam ang pangalan. Ilang beses na akong nag-attempt na itanong ang pangalan kay Kuya, pero tuwing ita-try ko, para akong biglang natitigilan. Ang awkward lang kasi na magtanong sa kanya kasi for sure itatanong din niya sa akin kung bakit ko tinatanong. Ano naman ang isasagot ko? Na crush ko? Asa naman! Over my dead body. 'Di ko rin. naman maitanong kay Ate Niles dahil chismosa iyon. Si Yanyan naman, sugo ng impyerno—lagi na lang ako binu-bwisit for some reason.

Makapagtanong nga sa mga nurse... hindi naman siguro makakarating kay Kuya. Curious lang naman!

Pagdating ko sa school, pilit kong hindi inisip iyong intern na 'yon. Kailangan focused ako sa mga ginagawa sa school. Gumana naman dahil maraming pinagawa sa amin. After school, inaya ako ni Chloe na maghangout.

"Pass," sagot ko.

"Oh, okay..." sabi niya. "Sunod ka na lang if you want."

"Yeah, sure," wala sa isip na sabi ko habang mabilis na naglalakad palabas ng school. Dumiretso agad ako sa hospital. Naka-upo lang ako sa mga bench doon habang nag-iisip ng strategy. Tsk. Bakit ba kailangan ko pa ng strategy? Itatanong ko lang naman ang pangalan—it's not as if itatanong ko ang pin number niya sa debit card niya.

Nagmasid ako sa mga nurse doon. Finally, may nakita ako na mukhang bago pa lang.

"Hi," pagbati ko since ako naman ang hihingi ng favor.

"Hi," naka-ngiting bati niya sa akin.

"May itatanong lang ako," sabi ko. She smiled while nodding. For some reason, naiirita ako sa mga tao na laging naka-ngiti. Kasi possible ba na masaya ka lang palagi? May ganon ba? Kasi ang weird lang. O baka ako lang ang weird na laging may iniisip na problema.

"Ano'ng pangalan nung intern na matangkad, maputi, singkit?" I asked. Kumunot ang noo niya. Baka kulang pa iyong description ko. "Uh... I think 6'2," sabi ko kasi halos ka-height niya si Kuya nung nakita ko siya. "Mukhang suplado."

I stopped dahil wala na akong masabi pa. Kairita na ni wala pang isang minuto nung nakita ko siya noon, pero isang linggo niya ng ginagambala ang isipan ko.

"Sorry, Miss, hindi ko kilala iyong sinasabi niyo kasi bago pa lang ako rito. Besides, bawal kami magbigay ng personal info," sabi niya habang nandoon pa rin iyong ngiti niya at saka umalis. Walang kwenta, ano ba 'yan. Saka may ganoon ba talaga na rule?

Papaalis na sana ako para sumunod na lang kina Chloe nung bigla kong makita si Kuya.

"Bakit nandito ka na naman?" he asked.

"Hihinging pera," sabi ko kasi alangan namang sabihin ko na nandito ako para huntingin iyong intern niya? I looked behind him, around him, pero wala iyong chinitong intern.

"May hinahanap ka ba?" kunot-noo na tanong niya.

"Wala," I replied, acting coy.

"Since nandito ka, malamang tapos na class mo. May ipapa-bigay ako kay Mama," sabi niya tapos ay nagsimulang maglakad. Nung mapansin niya na hindi ako naka-sunod sa kanya, huminto siya at tumingin sa akin. "Marian?" he asked. "Tara."

I blinked thrice before I followed him. Patingin-tingin ako sa paligid dahil baka nandito lang siya, pero totoo talaga na malaki iyong ospital so baka hindi ko rin siya makita. Tsk. Sayang naman effort ko na pumunta rito.

Pagdating namin sa lounge, biglang tinawag si Kuya ng attending niya.

"Kailangan mo na ba umalis o pwede kang maghintay?" he asked.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon