Chapter 21

69.1K 3.3K 774
                                    

Chapter 21

"Nagtatago ka na naman?" tanong ko nang sagutin ko iyong tawag ni Chase. Naka-tayo ako sa harap ng salamin at tinitignan kung maayos na ba iyong itsura ko. After more than a year, ngayon lang ulit ako makikita ni Mama. Gusto ko lang na maayos iyong itsura ko. I didn't know why I even care.

"Galing manghula, ah," he replied. "Paalis ka na?"

"In a while," sabi ko sa kanya. "Nag-aayos lang ako."

Pagkatapos kong magsabi kay kuya na pupunta ako sa dinner na sinasabi ni Mama ay nagtext ako kay Chase. Ang reply niya lang ay kung gusto ko ba ng kasama. I declined his offer dahil may duty siya. Besides, nandoon naman si Kuya. At kaya ko naman iyong sarili ko. I'd like to think that I was more in control now than I was a year ago. Hindi naman na ako aabot sa punto na sisigaw ako sa dinner kagaya nung huling pagkikita namin ni Mama.

"Send ng selfie nga," he said.

"Di ako nagseselfie."

"Sige na?" malambing na sabi niya.

I rolled my eyes as I grabbed my phone na naka-loud speaker. I took a quick photo of myself tapos ay sinend ko sa kanya. Narinig ko iyong pagtawa niya.

"Di man lang naka-ngiti."

"Ang demanding."

Naka-vibrate iyong phone ko. Nakita ko na nagsend din siya ng selfie. Ginaya niya iyong 'pose' ko na naka-tingin lang sa camera. Suot niya iyong coat niya at naka-sabit pa rin sa leeg niya iyong stethoscope niya. May dalawang ballpen sa may coat niya. Kapag isa na lang ang nandoon, it meant na may nanguha na raw ng ballpen niya. Marami nga yatang nakawan ng ballpen sa hospital. Kasi kahit si Kuya, reklamo niya rin ang mga nawawalang ballpen.

Nag-usap pa kami sandali ni Chase bago siya nagpaalam dahil may kailangan na siyang gawin. It was normal na bigla siyang aalis—kahit nga may date kami ay minsan kailangan niyang bumalik sa St. Matthew's. I knew what I was getting into nung sinabi ko noon pa sa sarili ko na gusto ko siya. Kapareho halos nung ginagawa ni Kuya iyong gustong gawin ni Chase. I knew what being in a relationship with someone from the field entailed. Siya lang ang walang tiwala sa akin dati. I would've waited if he asked me to. Kahit 'di pa kami mag-usap buong review niya sa PLE, okay lang sa akin. I would've waited for him outside the testing center if he wanted to.

But that's all in the past.

We're good now—more than good.

Pagdating ko sa restaurant kung saan kami magkikita, hindi agad ako pumasok. Tumayo ako sa harap nun at saka huminga nang malalim. Halos buong buhay ko atang dinadala iyong galit ko kay Mama. Pero nung narinig ko iyong sinabi ni Chase? I thought... there's probably a reason why she treated me that way. Hindi ko pa lang alam. Hindi ko rin alam kung malalaman ko pa ba. I just didn't want to carry that anger anymore. But that didn't mean that I wanted her back in my life. Pwede naman kaming magkita na ganito paminsan. Hanggang doon lang iyong gusto ko ngayon.

"Bakit nandito ka lang?"

Napa-lingon ako at nakita ko si Kuya na naka-tayo sa akin. Iyong itsura niya ay iyong itsura niya kapag galing pa siya ng duty. Medyo magulo pa nga iyong buhok niya.

I shrugged. "Nandun na ba sa loob?"

"Nandoon na raw sila."

Bahagyang kumunot iyong noo ko nung sabihin niya iyong salita na sila. Hindi na lang ako nagtanong. I had a faint idea kung para saan iyong dinner na 'to, but I didn't want to overthink it. Hindi naman ako umaasa na may apology na kasama iyong dinner na 'to. Hindi ko nga rin alam kung bakit pumayag ako.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon