Chapter 06

66.2K 3.1K 1.3K
                                    

Chapter 06

"What?" tanong ko kay Chloe nung makita ko na naka-tingin siya sa akin at naka-ngisi.

"Naka-ngiti ka."

"Naka-ngiti?" tanong ko na naka-kunot ang noo.

Tumango siya. "Nung may binasa ka d'yan sa phone mo, naka-ngiti ka nung binasa mo. For a second, akala ko namalikmata ako," she said exaggeratedly. It's not that I don't smile—hindi lang ako maka-kita ng dahilan para ngumiti. I smiled nung inenroll ako ni Kuya sa Fine Arts program at nung unang beses na maka-bili ako nung magandang art materials. Since then, wala akong maisip na dahilan kung bakit ako ngingiti. Mukhang tanga naman ako kung ngingiti ako randomly.

"Yan ba 'yung intern?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

She whistled. "Nako, mag-iingat ka, sis."

"Saan?"

She shrugged. "Wala lang—in general lang," sabi niya sa akin. "Alam ko first landi mo 'to, so payong malandi lang—'wag mo bigyan ng meaning lahat at ikaw ang mapapahamak niyan sa dulo."

'Wag bigyan ng meaning.

Possible ba 'yon? Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Tuwing may gagawin o sasabihin na kakaiba si Chase, ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko—minsan, kapag sobrang bilis, parang naririnig ko na rin.

"I'll try," sabi ko sa kanya. Kinuha ko na iyong mga gamit ko. Dumiretso ako sa ospital. Nagtext na ako kay Kuya kanina at sinabi niya sa akin na busy siya buong araw. Pagdating ko sa St. Matthew's, doon ako dumaan sa kabilang side para hindi kami magkasalubong ni Kuya, just in case. Tapos ay dumiretso ako sa cafeteria kasi sabi ni Chase doon kami magkita.

Naupo ako roon at inilabas iyong sketch pad ko para hindi ako mainip habang naghihintay. Naging busy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin iyong oras. Napa-tingin na lang ako sa harapan ko nung narinig ko iyong paghatak ng upuan sa harap ko.

"Sorry," sabi niya.

"It's fine," I replied. Kahit naman si Kuya kapag pumupunta ako rito ay mas madalas na pinaghihintay niya ako. That's the reason kung bakit lagi akong may dalang sketch pad para hindi ako ma-bore kasi alam ko na na may paghihintay na mangyayari.

"So..." He paused. "How do we do this?" he asked.

Tumingin ako sa kanya. I liked him in his casual clothes, but I liked him a lot better kapag naka-suot siya nung puting coat niya. Mayroon ding naka-sabit na kulay maroon na stethoscope sa leeg niya at mayroong ballpen sa bulsa sa kanang pocket ng coat niya. Clean cut iyong buhok niya. Sa ilang beses na nakita ko siya, laging maayos iyong buhok niya. Si Kuya kasi ang unclean tignan lalo na nung clerkship niya. Mas gustong matulog kaysa magpa-gupit.

"Uupo ka lang. Pwede kang magreview," sabi ko sa kanya.

"Naka-upo ako?" Tumango ako. "Kailangan ko bang magpalit ng damit?"

Umiling ako. "No, that's fine," sabi ko dahil iyon talaga iyong gusto kong gawin—iyong naka-suot siya ng doctor's coat. Mas prefered ko kung naka-scrubs siya at may scrub cap, but this would do. Besides, predominantly mukha niya naman iyong gagawin ko.

Chase and I walked around para maghanap ng tahimik na lugar kung saan ako pwedeng magdrawing at siya mag-aral. Walang pag-uusap na naganap sa amin, pero parang pareho kaming umiwas doon sa may surgery department dahil baka maka-salubong namin bigla si Kuya.

"How about here?" tanong niya.

"Pwede na," sabi ko habang ipinapatong iyong gamit ko roon sa may upuan. Ito iyong ward na abandonado na dahil mayroong bagong ward na donation ng isang political family. Wala namang pumupunta masyado rito dahil may balita na haunted daw. I mean, as long as hindi ako guguluhin ng mga multo, I see no problem.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon