Chapter 09

62.1K 3.3K 1.2K
                                    

Chapter 09

Hindi na ako nabigla pa nung makita ko si Kuya at Ate Niles sa may labas nung lugar kung saan gaganapin iyong exhibit nung mga portraits namin. Nasabi ko na kay Kuya 'to dati. Nagsabi rin siya dati na pupunta siya. He's always been supportive of what I wanted to do. I would always be thankful for that.

Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papunta sa kanila. Wala namang ibang daan kundi doon. Besides, wala naman akong balak umiwas sa kanila. Wala namang kasalanan si Kuya sa mga ginagawa ni Mama sa 'kin.

"Hi," sabi ko nung maka-lapit ako.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya.

Tumango ako. "Kumakain naman ako three times a day," sabi ko sa kanya.

Tumango siya. "Saan ka naka-tira?"

"Apartment," sabi ko kasi naka-hanap na ako ng apartment. Medyo nahirapan ako maghanap kasi lahat sila nanghihingi ng one month advance, one month deposit. Ayoko naman na doon dalhin lahat ng pera ko kaya medyo natagalan bago ako naka-hanap ng papayag na one month deposit lang ang ibigay ko. Tinulungan ako ni Chloe na maghanap.

"Safe?" I shrugged. "Marian," sabi niya sa tono na papagalitan ako.

"Punta kami dun after?" sabi ni Ate Niles. "Kung hindi safe, e 'di tulungan natin maghanap ng safe," sabi niya kay Kuya na tumango na lang.

"Okay," sagot ni Kuya tapos tumingin sa akin. "Okay ka don?"

Tumango ako. Sabay kaming pumasok sa loob. Tahimik lang ako habang naglilibot kami para tignan iyong mga naka-display na portrait. Nakita ko naman na iyong iba rito kaya hindi na ako ganoon ka-excited.

"Ang galing naman..." sabi ni Ate Niles habang naka-tingin sa portraits. "For sale ba mga 'to?" Tumango ako. "Mukhang mapapa-bili ako, ah," she said as she continued to roam around the hall.

Mukhang nag-e-enjoy si Ate Niles sa paglilibot. Pumunta ako roon sa dulo para maupo. Mayamaya, naupo sa tabi ko si Kuya.

"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya. Alam ko naman na hindi lang siya makapagsalita kanina dahil nandoon si Ate Niles.

"Di ako galit—nagtatampo ako," sagot niya sa akin. "Akala ko kampi tayo? Bakit 'di ka nagsabi sa akin na aalis ka sa bahay? At least napuntahan man lang kita o nabigyan ng pera para sa maayos na lugar ka sana natulog kung ayaw mo sa condo."

"Ewan," sabi ko sa kanya. "Bakit ang bilis mong maniwala kay Mama na lalaki ang dahilan kung bakit ako umalis?"

Napa-tingin ako sa kanya. Naka-tingin siya sa sahig.

"I deserve that," sagot niya. "Unang pumasok sa isip ko—nawawala iyong kapatid ko. Hindi sumasagot sa tawag ko. Sumagot ka lang nung binanggit ko si Viste. That was my line of thought."

Tumango ako. "Wag mong idamay 'yon," sabi ko sa kanya. "Mukha kang tanga, Kuya, kung idadamay mo evaluation niya."

Kumunot ang noo niya. "Tingin mo sa 'kin, unprofessional?" he asked like he was offended. "Matagal ko ng na-submit evals niya."

"Maayos ba?"

He shrugged. "Confidential," sabi niya. "Pero bakit ka umalis?"

I shrugged, too. "Yung dati pa rin."

"Sorry," sabi niya.

"Di mo naman kasalanan," sagot ko.

"Di ko alam bakit ganon si Mama."

"Di ko rin alam."

Natahimik kaming dalawa.

"Basta hindi na ako uuwi," sabi ko sa kanya.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon