Chapter 11

63.9K 3.2K 1.2K
                                    

Chapter 11

"I'm gonna visit you," sabi ni George sa akin.

"No, thanks," sagot ko sa kanya habang ibinababa ko mula sa trunk ng sasakyan niya iyong mga gamit ko. Ngayon na iyong uwi ko sa Pinas. After more than a year, babalik na ako. Last month iyong tapos nung program ko. Hindi ko sinabi kila Kuya dahil baka magsabi pa sila na pupunta sila rito. After nun, kinailangan ko pa ng dalawang linggo para ayusin iyong mga kailangang ayusin dito—iyong mga gamit ko pati mga record ko sa university. Tapos ay nag-aya pa sila George na pumunta raw kami sa Switzerland. Pumayag na ako dahil hindi ko rin alam kung kailan ko sila makikita ulit. Wala naman akong pera para bumili ng ticket pabalik sa London.

"I'm glad that you're excited, as well," sagot niya sa akin.

Nang maibaba niya na iyong tatlong maleta ko (dalawa lang talaga iyong akin, ibinigay niya sa akin iyong isang maleta pa kahit sinabi ko na 'wag na at iiwan ko na lang iyong ibang gamit ko rito) tumingin siya sa akin.

"Can I, at least, get a hug?" tanong niya.

Umirap ako at saka niyakap siya. Dalawang segundo lang ang balak ko sana kaya lang ay ayaw niya akong pakasalan. "I'm gonna miss you."

"Give it a month," sabi ko sa kanya.

"Nah—I'll definitely miss you getting mad at me for some reason and me wondering what the fuck did I do again," sabi niya habang hinihigpitan iyong yakap sa akin.

"But I always have a reason," sagot ko.

"Yeah... I don't know why I'm always clumsy around you," sabi niya.

Pinabayaan ko lang siya na yakapin ako hanggang sa magsawa siya. On my third month in London, I gave in and texted him. Hindi pa siya naniwala na ako iyong nagtext sa kanya at nagdemand siya ng FaceTime—medyo makapal din ang mukha niya. Pero pumayag ako. We met for coffee. He wasn't so bad. He was studying finance. I told him he was boring, and he got so defensive at sinabi niya na 'Math is fun!' Nerd. Tapos ay pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Iyong iba roon ay naging kaibigan ko rin. Minsan ay sumasama ako kapag may party. Masaya pala na maraming kaibigan. Hindi kasi pasok sa iisang tao iyong gusto mo—meron akong isang kaibigan na pwede kong kausapin tungkol sa art, meron tungkol sa anime, meron tungkol sa random na bagay. Mamimiss ko talaga rito. Siguro ay mag-iipon talaga ako para maka-balik dito. Sana yumaman ako para madali lang maka-balik.

"Time's up," sabi ko sa kanya. "I have a flight to catch."

"Fine..."

"Thank you for being nice to me," sabi ko. "I really appreciate it."

"You're talking like we'll never see each other again."

I shrugged. "Who knows, right? But in any case—I'm glad you became my first friend here."

"Could've been more," sagot niya sa akin.

Umirap ako. "Shut up."

Tumawa siya. "Fine, I'll shut up. For now," sabi niya.

"Thank God."

"I'll see you again."

"Sure."

"You'll definitely see me again."

"If you say so."

"I do say so," sabi niya. He, then, tousled my hair. "Safe flight, Marian."

"Thank you," sagot ko. "Drive safely. Thank you for driving me to the airport."

"Anything," sabi niya.

Kumaway ako bago ako pumasok sa loob. Nakapagcheck-in na ako ng mga bagahe ko. Naupo lang ako habang naghihintay ng boarding. Hindi ko sinabi kay Kuya na ngayon ako uuwi. Ang sabi ko sa kanya, next week pa iyong flight ko. Ayoko lang kasi na gawin nilang big deal. Uuwi lang naman ako.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon