Chapter 19

84.5K 3.7K 892
                                    

Chapter 19

It had been a good few months.

Okay naman kami ni Chase—dito siya sa apartment dumi-diretso madalas kapag tapos na iyong duty niya. Minsan gusto ko siyang tanungin kung hindi ba siya hina-hanap sa bahay nila, but I enjoy his company, so hindi na ako nagtatanong. Umuuwi naman siya sa kanila bago magsimula iyong shift niya dahil doon siya kumukuha ng gamit.

Nasa St. Matthew's ako ngayon. Kaka-galing ko lang sa exhibit. Tinatamad ako na umuwi sa apartment. Sakto na patapos na iyong duty ni Chase kaya naisipan ko na dumiretso doon para makapagdinner kami. Lagi kasi kaming nasa apartment. Nakaka-sawa din minsan. Gusto kong lumabas.

Naka-upo lang ako sa isang bench habang hini-hintay si Chase. I was on my phone, quietly watching anime to pass time. Nang makita ko si Chase na naglalakad ay tinanggal ko iyong earphones ko.

"Chase—"

Napa-tingin ako sa likuran ko dahil sabay kaming nagsabi ng pangalan ni Chase. May nakita akong lalaki na naka-tayo. He looked like Chase, only older. Ito ba iyong Ahia niya? Naka-tingin din siya sa akin na parang iniisip niya kung kilala niya ba ako o kung nakita niya na ba ako dati.

"Pa," sabi ni Chase.

Bahagyang napaawang iyong labi ko. So... ito 'yung tatay niya. He looked younger than I imagined. But he looked strict, as expected.

"I just finished with my executive check-up," sabi niya at bahagyang tinignan ako na para bang sinasabi niya kay Chase na sabihin kung sino ako. "Have you seen your sahia?"

Umiling si Chase. Tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ayaw niya ba akong pakilala?

I was about to take a step nang bigla niyang tawagin iyong pangalan ko.

"Marian," he said. Tumingin ako sa kanya. "Pa, Marian's my girlfriend."

Tumingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. I was fine with leaving them. I didn't exactly know their family dynamics—ang alam ko lang, strict ang tatay niya. Sinabi niya rin dati na pareho kami ng sitwasyon. Naiintindihan ko naman kung hindi niya ako ipapa-kilala ngayon. Hindi ko naman siya pipilitin.

Ramdam ko na naka-tingin sa akin iyong tatay niya. Tumingin din ako sa kanya.

"Hi," sabi ko dahil ayokong maging bastos.

"Hi," he replied in a clipped tone.

Naka-tingin lang kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. I also could not care less. I lived most of my life feeling inadequate because of what my mother thought of me—never again. Kung ayaw niya sa akin, e 'di 'wag. As long as hindi ako magiging bastos sa kanya, problema niya na kung ayaw niya sa akin.

"I'm taking Chase and Chester to dinner," sabi niya. "Do you want to join us?"

Bago ako sumagot ay tumingin ako kay Chase. Mukha siyang hindi kumportable.

"May pupuntahan pa po ako," I replied. "Maybe next time. But thank you for the invite," I added. Tumingin ako sa kanilang dalawa at nagpaalam.

Dumiretso na ako palabas ng hospital. Nagpunta muna ako sa fastfood para bumili ng takeout. Habang nasa pila ako ay naka-receive ako ng text mula kay Chase.

'BK,' sagot ko sa tanong niya kung nasaan ako. Hindi na siya nagreply pa. After a few minutes, halos mapa-talon ako nung makita ko na nasa likuran ko na siya. "Akala ko may dinner kayo?" I asked.

"Sahia's busy," sabi niya.

Tumango ako. "Tapos na duty mo?"

Tumango rin siya. Naka-suot pa siya ng uniform niya. Nabasa ko pa iyong naka-burda na Chase Viste, MD.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon