Chapter 22

82.3K 3.6K 595
                                    

Chapter 22

Being around art is therapeutic... pero ngayon, parang hindi siya tumatalab sa akin. Kanina pa ako naka-titig sa cellphone ko at naghihintay na magvibrate iyon. Sinubukan ko na na ilagay iyon sa loob ng bag ko at i-focus sa iba ang atensyon ko, pero buma-balik pa rin ako sa pagtingin doon.

"Lalim ng iniisip."

Napa-tingin ako kay Kuya. Kumunot ang noo ko. "Off mo?"

Tumango siya tapos ay naupo sa tabi ko. Nandito ako sa labas ng gallery. Gabi na rin kasi kaya halos wala ng tao. Nandito ako kasi akala ko mas kakalma ako rito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan e sa birthday dinner naman pupunta si Chase.

Sana maging maayos 'yon.

"Bigla kang umalis," sabi ni Kuya.

"I needed to," sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang?"

Tipid akong tumango tapos tumingin sa kanya. "Kuya," pagtawag ko. "Nung college ka, gusto mo rin ba 'yung Chemical Engineering?" I asked, remembering nung college ako ay narinig ko na isa iyon sa pinaka-mahirap na degree.

Nagkibit-balikat siya. "Okay naman."

"Pero hindi mo naisip na kumuha ng nursing? O biology? O anything na related sa medicine?"

"San ba papunta 'tong tanong na 'to?"

Nagkibit-balikat din ako. "Hindi ko rin alam," sabi ko sa kanya. "Iniisip ko lang na halos pareho naman tayo ng naranasan, pero ikaw, okay ka naman na kay Mama, pero ako parang ang hirap-hirap maging okay sa kanya."

At this point, I think kaya kong mabuhay na wala na siya—as in kahit hindi na kami magkita kahit kailan, walang magiging parang kulang sa akin.

And I was fine with that...

But then, seeing Chase struggle because of his family situation? Hindi ko mapigilan na mapa-isip... Na meron ako nung bagay na gustung-gusto ng ibang tao.

"Ano ba'ng pinag-usapan niyo?"

"Gusto niya raw umattend ako sa kasal."

"Nagsorry man lang ba siya?"

I shrugged. "Basically a non-apology..." sabi ko. "O baka mataas lang ang standards ko sa apology."

Sa totoo lang, kahit humingi siya ng sorry na totoo sa akin, parang hindi rin kasi talaga ganoon kadali na kalimutan na lang lahat. Kasi hindi naman isang gabi nangyari lahat. It took her years of emotionally neglecting me... Hindi naman 'yan nabubura ng isang iglap lang. Hindi ko nga alam kung mabubura pa ba.

"Si Mama talaga..." sabi niya na may konting pag-iling.

"Bakit?"

"Sabi niya kasi sa 'kin magsosorry daw siya kaya pumayag ako na imbitahin ka sa dinner."

"Really?"

Tumango si Kuya. "If it were anything else, hindi naman kita iimbitahin kasi alam ko naman 'yung sitwasyon," sabi niya sa akin. "Sorry. Akala ko nagbago na."

I shrugged. "It's fine," sabi ko.

"No, it's not," sagot ni Kuya. "Hindi okay 'yung ginawa niya sa 'yo. Akala ko nun tapos na nung inenroll kita. Sinabi ko naman sa kanya na ako bahala sa 'yo kung 'yun ang inaalala niya. Maganda naman trabaho ko—'di ko naman kayo pababayaan."

I smiled because it's true—hindi kami pinabayaan ni Kuya. Kahit nandyan na si Ate Niles, kahit ang dami ng nangyari sa buhay niya, nandyan pa rin siya. Kung hihingi nga siguro ako ng allowance sa kanya ngayon, kunwari lang na ayaw niya pero bibigyan niya pa rin ako.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon