Chapter 10

67K 3.1K 1.3K
                                    

Chapter 10

Paglabas na paglabas ko sa eroplano, ang una kong ginawa ay ang kumunek sa wifi sa eroplano. Mahigpit na bilin sa akin ni Kuya na magmessage ako sa kanya pagdating ko rito sa Heathrow airport. Pumayag na ako dahil either iyon, o sasamahan niya ako rito sa London hanggang makapagsettle down ako. Nung maka-connect ako sa kanya, nagsend lang ako ng message na 'Dito na ako.' Pumunta ako sa gallery para tignan iyong instruction na binigay sa akin ni Mrs. Dela Riva. Kailangan ko lang hanapin iyong train tapos alam ko na kung saang station ako baba. Maglalakad lang daw ako mula sa station tapos mararating ko na iyong flat na titirhan ko. Iniwan na rin daw nung nag-aayos iyong susi sa box. Nasa akin na rin iyong code ng box.

Okay.

Kaya ko 'to.

It took me almost three hours bago ako makarating sa flat. Muntik na akong maligaw, pero at least nandito na ako. Sobrang lamig. Halos hindi ko na maramdaman iyong mukha ko dahil sa lamig. Paano pa kaya kapag winter na? Baka ikamatay ko iyong lamig dito.

Ibinaba ko iyong mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid. Ni hindi ko alam na naka-ngiti na pala ako kung hindi pa napa-dako sa salamin iyong mga mata ko.

'Ito na 'yon,' bulong ko sa sarili ko.

The first few days weeks were hard. Wala akong kakilala, pero hindi naman problema sa akin iyon dahil sanay naman ako na walang kaibigan—mas problema ko si Kuya na kailangan lagi akong tumatawag at nagtetext sa kanya. Kinailangan ko pang tawagan si Ate Niles at makiusap sa kanya na kausapin si Kuya. Si Ate Niles kasi iyong nagbilin sa akin bago ako umalis sa Maynila. Nagtrabaho din kasi siya sa Japan kaya alam niya iyong feeling ng nasa ibang bansa naka-tira. Mukhang nagwork naman dahil naging kailangan ko na lang magtext bago ako matulog para masigurado ni Kuya na naka-uwi ako ng safe sa flat.

"So... kamusta d'yan?" tanong ni Chloe.

Nagkibit-balikat ako. "Okay naman."

"May naka-date ka na?"

"Isang buwan pa lang ako rito," sagot ko.

"Exactly—one month na!" she said exaggeratedly. "Daming blue eyes d'yan! It's your time to shine."

"Kung makapagsalita ka parang ang dali lang nun," sabi ko sa kanya habang nagluluto ako ng dinner ko. Ayokong kumain sa labas dahil ayokong gumastos. Kasama sa binigay ni Mrs. Dela Riva iyong monthly stipend, pero tinitipid ko iyon. Iniisip ko kasi na pagbalik ko sa Maynila, syempre kailangan ko ng titirhan ulit. Balak ko nga rin magpart-time job dito kaya lang nung nagtanong ako, hindi daw pwede sa visa ko. Ayoko naman na magkaroon ng problema kaya hindi na lang. At least makakapagfocus ako sa pag-aaral ko.

"Nakapagpractice ka naman na kay intern—" sabi niya tapos ay natigilan siya. "Oops. Sorry."

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Baka bawal lang syang pag-usapan."

"Bakit naman?" tanong ko. Ngayon ko lang na-realize na ang tagal na pala nung huli kong inisip si Chase. Masyado kasi akong naging busy simula nung tanggapin ko iyong alok ni Mrs. Dela Riva hanggang sa pag-aayos ng papers ko hanggang sa pagpunta rito at pag-a-adjust. Wala akong panahon na mag-isip pa tungkol sa ibang bagay.

"Kasi... ewan. Moved on ka na ba?"

"Paano ba masasabi kapag moved on na?"

Nagkibit-balikat siya. "You know what? Hindi ko rin alam for sure... siguro kapag naiisip mo siya tapos hindi na masakit?"

Kapag iniisip ko si Chase, masakit ba? Hindi naman. More on... nanghihinayang. Because I really like him—but he didn't like me. That was enough for me to stop. Kasi ayoko na ipilit iyong sarili ko. Siguro ngayon, kung papipiliin ako, mas pipiliin ko iyong tao na mahal ako kaysa sa mahal ko. Wala lang... masarap siguro sa pakiramdam na mahalin ka kaysa ikaw lang iyong nagmamahal. Ano kaya ang pakiramdam nun? Mararamdaman ko kaya 'yon?

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon