- 1 -

174 14 0
                                    

Carrie's POV


"Earth to Carrie!"


Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Denise lang pala, nasa likod ko. Namomroblema nanaman daw siya sa Trigo habang ongoing ang discussion ngayon. Buti nalang na-advance tutorial ko na ang 4th year Math dati kaya alam ko na ahead of time ang topics for this and next meetings.


Habang tinururuan ko siya, tinignan ko mga kaklase ko. Seryosong seryoso sila. Kanina lang inexplain samin to ah. Yung iba sinasabi sakin ang unfair ko daw kasi si Denise lang tinuturuan ko. Saya talaga sa pakiramdam maging matalino, jk yabang. After ko ituro ang shortcut, buti naman gets na ni Denise.


"Hey, let's talk nga." sabi ko sa kanya. Yan lagi ko sinasabi pag bored ako eh.


"So ano pag-uusapan?"


"Ewan ko."


Totoo naman eh. Wala akong maisip sa sobrang bored. Laging kaming ganyan mag-usap. Lalo na pag math time. Lilipat pa ako ng ibang upuan para mag-usap kami. 


Mataas naman grades ko dun plus tahimik ako kaya walang problema sa teacher. Nag-ring na ang bell. Kita sa mukha nung iba ang kasiyahan ng matapos mag math.


Okay, second recess na!


Hinihintay ko si Denise sa harap ng column nila. Sabay kami pumunta kay Margaux. Si Margaux naman ang pinakaclose ko sa barkada. Next si Denise.


Nagsama na kaming tatlo at palabas na ng classroom. Sinundo agad si Denise ni Kylie sa pinto palang. Ayaw niya na may sasamahang iba si Den den kung hindi, aawayin niya. Syempre away na less harm pero away parin yun.


Bumaba na kami sa tambayan namin. Medyo outdoor kami naka-upo para fresh air. Nakababa na ang section namin na 4B at ang  4C. Wala parin ang 4A.


"Carrie samahan mo ko sa canteen."


Tumayo ako at sinamahan si Margaux. Pagdating namin sa canteen, konti palang tao. Halos 2nd at 3rd year palang nandito. Di talaga ako mapakali pag madaming tao eh. Pakiramdam ko nakatingin sakin lahat. Ang creepy ng naiisip ko.


Pabalik na kami sa table namin. Nakababa na pala ang 4A. Complete na ang tropa: ako (best in Math), Denise (most introvert), Margaux (ultimate bestfriend ko), Kylie (most palaban), Ellaine (artist), Alice (wattpad fan), Aubrey (photographer), at Rixel (only boy).


Nag-uusap si Ellaine at Rixel. Ganun din si Den den, Kylie at Alice. Yung tatlo either teen fic books pag-uusapan or fandom nila. Kami ni Margaux, kahit ano lang. Wala akong maisip na pag-uusapan eh. Kaya tumingin nalang ako sa mga dumadaan. Ganito lang kami lagi.


Nag-bell na. Ang bilis talaga matapos ng recess. Next subject, Christian Living Education. Halos lahat nag-iingay.


Topic ngayon is about predictions. Ang galing kaya pag nakaka-pagapredict ka lalo na yung death mo. Syempre pag powerful ka lang tsaka ka magkakapagpredict ng pangyayari. Eh ako ordinary person lang.

In Death's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon