- 16 -

48 8 3
                                    

Denise's POV

Nakakalungkot talaga. Dalawa na sa kasama namin ang nawala. Nakakabigla din si Kylie eh. Sobrang dikit sa akin at ayaw ako ipahiram sa ibang tao. Wala narin si Rix. Wala na ang matalino sa section 4A. Hay naku. Magfocus na nga lang ako sa math. Parang humihirap nanaman ah.


"Denise."


"Oh?"


"Den den den!"


Ano ba to si Arthur. Makatawag sa akin eh unli tsaka sa pangangalabit.


"Ano??"


"Den den!"


"Ano ba Arthur. Di mo ba titigilan si Den den ha? Sapakin kita."


Eto talaga si Carrie. Palaban eh. Lagi akong pinagtatanggol. Pero ang problema niya, pag seryoso siya, bigla nalang tatawa. Kaya akala ng mga nanggugulo o nangaasar sa akin ay nagbibiro lang siya.


Ako pala si Denise Serrano. Tahimik ako sa klase except pag nakikipagpalit si Carrie ng upuan o kaya naman kasama ko si Kylie. Pinag-aagawan ako ng mga kaibigan ko para kausapin. Halos lahat ng nangyayari sa buhay nila, sinasabi nila sa akin. Parang diary? hahaha. Favorite ko pala ang KPOP. Basta gusto ko sila lalo na Exo. Ang cute kaya nila tsaka ang gaganda ng mga kanta kahit hindi ko maintindihan.


May dalawa pala akong kapatid. Dito rin sa McKinley High. May elementary rin dito pero sa pangalan ng school parang wala. Si Renee 11 years old na siya. Tapos yung bunso namin, si Cedric. 8 years old. Parehas sila na laro lang ang inaatupag. Kaya makikita ko nalang sila na patakbo-takbo sa school.


"Hay naku Arthur. Dun ka na shoo shoo. Wag mo kami istorbohin ni Den den."


Seryosong sabi ni Carrie tapos...


"HAHAHAHAHA! Di ko kaya talaga magseryoso promise."


Bigla siyang natawa. Sabi na eh. Natawa narin si Arthur tsaka nakipagusap sa mga kaibigan niya.


"Uy Den, May ikekwento ako sayo."


"Ano yun?"


Bago pa man siya makapagsalita, biglang dumating si Craig at tumayo sa harap ng table ng inuupuan ni Carrie. Hay naku natutuwa ako sa kanilang dalawa. Tumagos ang tingin ko kay Carrie. Sinadya ko yun para malaman niya na may nasa likod niya. Ng marealize siya nagulat pa siya.


"Ay CJ!"


Pag nagugulat talaga yun naku.


"Puro ka CJ grabe" -Craig


Ay naOP na ako.


"Ano kelangan mo? Naguusap kami ni Denise eh." -Carrie


Tapos humarap na siya sakin.


"Ikaw Carrie ah. May di ka sinasabi." -ako 


"Ha? Tss. Ano ba yung sasabihin ko?" -siya.


Asus di nakapagisip yun. Napansin ko si Craig nag-iisip. Tapos biglang pinaharap sa kanya si Carrie habang nakahawak sa balikat niya. Ayun magkaharap na sila.


"Ano.. Um bat may sugat ka?" -Craig


Humarap si Carrie saken.


"May sugat daw ako? San?" -Carrie


"Tanong mo kay Craig di ko rin alam eh." -ako


Natatawa nalang ako sa kanya hahaha. Minsan lang to eh.


Carrie's POV

"Den."


"Oh?"


"Kasi.."


"Kasi ano?"


"Parang alam ko na yung nangyayari sa atin."


Natigilan kami saglit. Halata sa mukha niya ang pagtataka.


"Pa-paano mo nasabi?"


Nagsigh ako at tinuloy ang pagkekwento.


"Diba nga nagkavision ako nung nagfieldtrip tayo."


"Connect nun?"


"Baka hindi pa tapos lahat yun."


Silence. Ang lalim ng iniisip namin. Kung yung vision na yun hindi pa tapos, possible pa na may mangyari ulit yung mga aksidente o pagkamatay ng mga tao?


x x x x x x x x x x
Votes? Comments? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Death's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon