- 15 -

50 8 3
                                    

- Before Rixel's death - 

Margaux's POV

"Ateee!"


Hmp. Inaantok pa ko.


"Mamaya na 5 minutes."


"Dali na!"


"Jason, inaantok pa si ate."


Dumilat ako nang konti. Nakita ko na nagfrown siya.


"Ah okay lang yun ate. May nagPM lang sayo oh. Kaya babasahin ko nalang to."


Nagising ako bigla. Nanglaki kasi mata ko baka kung ano mabasa nun tas magsumbong kay mama. Eto talagang kapatid ko.


Margaux Guttierez is my name. Pronounced as Margow. Mga kaklase ko kasi akala nila Margox. Moody daw ako? Huh di naman masyado. Maingay? pwede na kaya di nakapagtataka na kaibigan ko sila Kylie at Alice. Hay naalala ko nanaman si Kylie. Nakakalungkot talaga. Nabigla din ako nun eh.


Ako rin ang pinakaclose ni Carrie. Di ko alam kung paano kami naging ganito kaclose. Baka dahil sa pinaka pinakagusto niya na si Caleb John. Naku pinagpaubaya ko na sa kanya yun. Si Carrie kasi yung laging nandyan para sa amin. Classmate ko siya since Grade 7 kami. Hanggang ngayon din. Tignan niyo hanggang magtapos kami oh. Squad goals. Palitan kami ng pagbibigay ng advice nun.

Pagdating naman sa Math, naku walang tatalo. Kahit ang pinakamatalino sa classroom namin basta math problem kayang kaya niya. Either sa akin magpapaturo mga classmates ko or sa kanya. Eh may pagkadamot yun sa pagshare ng sagot niya kaya ayun minsan sa akin. Well tama naman siya.


"Ate! ate! Babasahin ko na talaga to!"


-_-


Tss. Kapatid ko pala si Jason or Jace. Bunsong kapatid ko. 8 years old. Mahilig siya magkukuha ng gamit ko. Pero kahit ganun, close na close kami. Sabay kami niyan umuwi. Magfofoodtrip pa kami ng kung anong meron sa labas.


Pagdating sa bahay, isa lang pinagkasundo namin. Panonood ng westling. Dahil sa kanya, nagustuhan ko manood nun. Sa una parang ayoko pero nung napanood ko, ang galing nila.


"Ate oh. Your iPad. Di ko na binasa yan."


Ngumiti lang ako at kinuha na iPad ko. Huh? Teka nagPM ay si Mindy Sanchez. Diba pinsan to ni Rix? Bakit kaya?


Ate Mindy: Margaux, kelangan kita makausap.


Kinakabahan ako. Wala akong ginagawang masama ah. Ay meron pala yung niwrestling ko si Jason. Huhuhu. Ayoko na nagsisisi na talaga ako dun.


Ako: Bakit po?


Kumakain ako ng breakfast habang kausap si ate Mindy. Nag notif sa lock screen ko na nagmessage si ate. Inunlock ko yung lock tas nakita PM niya.

In Death's EyesWhere stories live. Discover now