- 12 -

81 11 5
                                    

Carrie's POV

Carrie: Oo, Den. Alam ko nangyari


Denise: Grabe no?


Carrie: Bakit kaya ganun? Ang bata pa niya masyado.


Denise: Oo nga eh...


*silence*


Carrie: Sige na, medyo natrauma ako sa nasabi ni Stacy.


Inend call ko na. Di ko talaga maintindihan kung bakit biglang nangyari to kay Kylie.


Oras na ba talaga niya?


Bakit nangyari yun?


Madami pa akong tanong na iniisip. Lahat hindi ko maintindihan at hindi ko makuha ang sagot. Namimiss ko agad siya. Parang nung nakaraang araw lang ang saya saya namin sa mall. Kumain. Nagshopping. Nanuod ng sine. 


Hayy. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ulit yung picture namin sa entrance ng sinehan. Ang saya namin dito at walang pinoproblema.


Ang fighter ng grupo. Ang matapang na babae na laging nandyan para sa amin. Para ipagtanggol kami. Sa isang iglap, nawala siya. Hays. Bakit ba talaga nangyayari to?


Nagscroll up ulit ako sa cellphone ko. Yung mga kakulitan namin at kasiyahan kitang- kita dito. Yung buo pa ang grupo namin. May namumuong luha sa mata ko. At di nagtagal, tumulo na rin.


Teka, natawa ako sa pic na ito. Nakita ko yung picture ni Rixel dito. Kumakanta sa electric fan. Grabe mood swing? Eh kasi naman nagdadrama ako dito tas makakakita ako ng ganitong picture.


*screech*


Umulan ng madaming papel sa kwarto ko. Anong nangyayari? Lumipad ang papel sa loob ng electric fan. Ayun parang nagka-confetti sa loob ng kwarto. Hayy malelate pa ako neto. Mamaya ko na nga lang aayusin to. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama. May nakalagay na paper dun. Tinignan ko. Nakalagay "Next". Kinilabutan ako.


"Ms. Carrie, malelate na po kayo."


"Eto na po. May kinuha lang."


Nakarating na ako sa school. Naalala ko si Kylie. Bigla akong nalungkot. Hindi ko na napigilan umiyak. Buti wala pa mga kasama ko,


"Okay lang yan."


Nagulat ako sa nagsalita. Pag angat ng ulo ko, si Craig. Pinunasan ko agad luha ko.


"Huh? *sniff* okay naman talaga ako eh."


Tapos nagsmile ako ng pilit. Tinignan niya ako ng seryoso.


"Kaya ko rin maging sarcastic."

In Death's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon