- 13 -

74 9 6
                                    

Rixel's POV

"Sige. Alis na ako."


"Sige bye."


Tapos nanaman ang klase. Di parin matanggal sa isip ko yung nangyari Kylie. Parang nung nakaraan lang ang saya saya namin. Lahat yun naglaho. Lahat yun memories ng buo pa kami na hindi na mababalikan. Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng kaibigan.


"Rix, nasa bahay na tayo."


Napatingin ako sa bintana ng kotse namin. Di ko namalayan na sobrang lalim na pala ng iniisip ko. Nakauwi na pala kami ni Ate Mindy.


Rixel Sanchex pala. Ang only boy sa grupo ni Carrie. Tinanggap nila ako kasi dahil masasabihan at nakakatulong ako sa secrets at problems nila. Tahimik ako at matalino. Nagiging top ako lagi. Sa bahay naman, nagiisa lang ako. Close ko yung pinsan ko na si Ate Mindy. Kakagraduate lang niya sa highschool last 2 years ago sa school namin. Education ang course niya ngayon.


Eto kami ngayon sa bahay. Nag-aaral as usual.


"Ya!" sigaw ni Ate Mindy. " Bakit ang bagal ng electric fan??"


"Saglit lang po titignan ko yung problema."


Tinignan ni yaya yung electric fan.


"Naku Mindy, madumi lang yung loob eh."


"Ah sige pakilinis nalang ya."


Napansin ko na mainit nga. Luma pa naman yung nagamit namin na fan pero umaandar naman.


"Yes tapos na ko sa assignment woo-"


"Akin na Rix. Double check."


-_-


"Tama nga yan atee."


"Akin na. Ichecheck ko ulit."


"Pero-"


"No buts."


Kelan kaya ako mananalo sa argument kay ate? Siguro, never. Alam ko naman na ginagawa niya yun para lagi akong nasa top kaya medyo pwede na rin. Ugh bored ako. Ano ba pwedeng gawin? Tawagan ko kaya sila Carrie?


Calling Carrie Perez...


Teka bakit Perez to? Ay oo nga pala siya naglagay niyan. Yun talaga oh. 


Ano ba yan walang sumasagot.


Calling Den den Lazaro...


Kunyari Den den Lazaro talaga no? Syempre kapangalan lang. Saya pagtripan eh. 


Wala rin sumasagot eh. Lumabas nalang kaya ako.

In Death's EyesWhere stories live. Discover now