- 2 -

145 13 15
                                    

Parang may nag basa ata ng kamay ko ah. Sinasprayan ba ako sa kamay? Pagdilat ko, ang aso ko na si Alaska lang pala. Siya ang pinakafavorite ko sa aso namin. Lagi niya akong ginigising sa umaga. 


Para saan pa ang alarm clock kung may ganitong aso naman na gigising sayo. Nakakatuwa naman.


Tumayo na ako sa higaan ko kahit inaantok pa ako. Ugh. Wala akong gana pag ganitong oras eh.


=_=


Parang nagpuyat ako.


O-O


Bumukas bigla yung bintana. Ang hangin naman ata sa labas? Linipad tuloy mga newspapers. Pinulot ko isa-isa. Nilagay ko ang pile ng papers sa table. Nabasa ko tuloy yung headline.


"Several students died in a gruesome field trip in Cebu City"


Hays kawawa naman sila. Masaya siguro yung field trip na yun tas nauwi sa trahedya. Nawalan lalo tuloy ako ng gana. Okay lang kung sa palabas yung madugo pero pag totoo na, nakakaawa.


Nag quick shower na ako at nagbihis ng uniform. 6:32 am na. Pinagbuksan na ako ng driver namin. Habang papunta ng school, nakatingin lang ako sa bintana. Iniisip ko parin yung mga students na namatay dun sa field trip accident.


"Ms. Carrie, nandito na po tayo."


Pagtingin ko ulit sa labas, nasa school na pala ako. Grabe pala ang lutang ko agad. Umagang- umaga eh. Pinagbuksan na ako ng pinto at bumaba na sa kotse namin. Pumasok na ko sa school.


Nandun na agad ako sa tambayan namin nakaupo. 6:50 na. Wala paring katao-tao dito. Di parin ako mapakali. Para ba masyado akong apektado dun sa nabasa ko. Eh di ko naman kamag-anak or kakilala yung namatay eh.


Unang dumating si Rixel. Napansin niya na may iba sa akin.


"Ano problema?"


"Huh? Wala."


Oo nga pala hindi sila sanay na ganito ako. Kadalasan kasi masiyahin ako. Walang problema o iniisip na kahit ano. Baka manibago pa sila sa akin.


"Ano nga dalii"


Magsasalita na ako ng dumating si Ellaine.


"Hiii!"


"Hi."


Medyo wala akong gana.


"Ano meron guys?" tanong ni Ellaine.


"May problema ata si Carrie eh." sagot ni Rixel.


"Ano yun?"


Dumating na pala sila Kylie kasama kapatid niya. Lagi akong interrupted so mamaya ko nalang ikwento. Tapos si Denise. Hinatid nila si Stacy, kapatid ni Kylie. Mas matanda siya ng kapatid ko. Sana magkakasundo sila pag nagkasama para pag galaan. After ilang minutes si Alice. Then si Margaux. 7:08 na malapit na mag flag ceremony.


"Maya nalang guys." sabi ko nang mahina.


"Sige." sagot nilang lahat.


Kukuha pa pala sa locker silang lahat except sa amin nila Rixel at Margaux. Mabilis na natapos ang flag ceremony, ganun din ang morning subjects. Lunch na agad. As usual magkakasama ang tatlo puro fandom. May ginagawa si Ellaine eh kaya di ko makausap. 


Dumating bigla si Aubrey na laging nawawala sa kasalukuyan. Nag half day pala siya. May iba rin kasi siyang kasama kesa sa amin. Pero nung mga nakaraang araw, nasa amin na siya lagi kaya nakakatuwa.


"Carrie, diba may ikekwento ka sa amin?" sabi ni Rixel.


Ay oo nga pala. Ikwento ko pa kaya yun? Badtrip naman pinaalala pa ni Rix eh.


"Oy ano yun? Ako di mo k-kwentuhan? Tsk." nagtatampo na sabi ni Margaux.


Eto talaga kahit kelan, laging ganun. Pagbigyan ko na nga silang lahat.


"Oh sige na nga ganito kasi nangyari..."


Tapos kinwento ko na.


"Oh bakit ka naman affected?"


"Ewan ko nga eh."


Napa-buntong hininga si Margaux. Basta parang may something talaga dun eh. Tapos na ang lunch. Filipino time na. Teka bakit adviser namin? Hindi naman sa ayoko, iba kasi teacher namin sa Filipino.


"Class I need your Filipino time to have some reminders. Early next week, alam ko biglaan to pero ngayon lang napag usapan ng mga teachers about some things about our upcoming field trip"


"Di makapagdecide ang teachers at principal kung tuloy o hindi"


O-O


Ako rin nagulat eh. Bakit naman hindi matutuloy, ilang buwan namin to hinintay ehh. Eto lang talaga gusto namin tsaka sportsfest. Tapos mawawala pa.


"Alam niyo naman siguro yung balita diba? Medyo delikado rin panahon ngayon kaya pag-iisipan muna namin nang maigi. That's all. Thank you section 4B."


Bigla ko naalala na pag ganitong month na pala field trip namin. November na pala! Hmm kelan kaya yun? 


Sana sa 14 nalang para friday tas kinabukasan walang pasok. Pero di ko lang alam kung bakit ako kinakabahan. Parang may mali.


x x x x x x x x x x


Thanks for reading😊

In Death's EyesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu