- 4 -

125 11 5
                                    

Craig's POV


"Aray!" ano ba yan nadapa pa ako. Kasi naman may nakaharang na paa.


" Sorry! Sorry talaga! Di ko sinasadya." -Carrie


"Haha! Okay lang yun Carrie."


"HAHAHA!"


Tawang-tawa naman mga kaklase ko. Ano pa nga ba ang bago. Sanay na ako. Akala nila okay lang yung mga ginagawa nila. Pero hindi. Sobrang labag sa loob ko.


Ako nga pala si Craig. 16 years old. Kasama ako sa mga kasikatan na grupo sa year level namin. Maangas at magaling sila sa karamihan ng instruments. Kahit isa sa mga yun wala ako pero mabait naman silang lahat kaya sinama nila ako sa grupo. Ordinary student ako dito kaya di ako ganun kasikat.


Sa classroom sikat ako. Sikat asarin. Kasama narin dun mga kabarkada ko. May pagkachildish ako pero alam ko kung kelan dapat magpatawa at magseryoso. Nagaaim ako talaga makasama sa top 10 para naman sa graduation kahit ilang beses ako stage umakyat kaya naman nagsisipag ako mag-aral.


"Aw. Ang sakit"


Hinahawakan ko tuhod ko. May sugat na pala.


"Um samahan na kita sa clinic" - Carrie


Natataranta siya ng konti baka akalain niya magagalit ako.


"Hindi. Okay lang thanks."


"Ah basta. Sasamahan kita."


May pagkakulit din to si Carrie eh. Di pa kami ganun kaclose neto pero ubod pala ng bait. Kahit sino tinutulungan niya. Lalo na pag may umaaway sa kaibigan niya na si Denise at Margaux, hindi yan magdadalawang isip na sugurin ang mga nangaasar sa kanila. 


Biruin mo, may tinatagong angas itong mala anghel na mukha. Well, di lang mukha pati ugali narin. Paano pa kaya pag may nangloko sa Caleb John niya? Para ba may leon sa katawan nito o kaya dragon. Oy di ako stalker niya ah alam lang siguro ng karamihan pag Caleb John --- Carrie konektado yan. Pag sinabi lang sa klase yun naku lahat kami tingin sa kanya.


"Oh bakit ka tumatawa?" -Carrie.


Takang taka siya na nakangiti. Napansin ko nakarating na kami sa clinic. Nakatingin lang pala ako sa kanya at ayun nga natawa ako.


"Wala. Thank you ulit Carrie ah."


"Wala yun. Sorry ulit."


"Sige. Balik ka na baka magalit si Ms."


Eh baka kasi hinahanap na siya. Kasalanan ko pa tuloy na wala siya dun.


"Yun pa eh Math lang yun. Ako ata ang favorite niya sa klase, joke."


Oo nga pala. Matalino si Carrie lalo na sa Math. May nakainstall ata na calculator sa utak nun eh. Kakabigay lang ng math problem, nasagot niya na agad. Ibang klase utak neto.


"Craaaaaaig!"


Nagulat ako ng sumigaw nalang bigla si Carrie.


"Ha?"


Lutang ata ako ah.


"Sabi ko okay ka na?"


Hinawakan ko tuhod ko. Medyo nawala yung sakit.


"Salamat talaga Carrie."


"Haha. Sige welcome. Um una na ko?"


"Sige. Maya nalang ulit."


Nagsmile siya saken bago lumabas ng clinic.


Hayy makahiga na nga lang. Di ako makalakad pa ng maayos eh.


zzzZZZ


Hala lumilindol ba???


Pagdilat ko, may umaalog lang ng kama na hinigaan ko. Mga katropa ko lang pala.


"Oy pre, okay ka lang?"


Mukhang nagaalala talaga sila. Sinakripisyo ang recess para saken? Naku bago yun ah. Himala na nangyari.


"Oo okay na ko. Tinulungan ako kanina ni Carrie sa pagpunta dito sa clinic."


"Ay ay Carrie ah!"


" Wala yun. Ang bait niya talaga." napangiti nalang ako.


"Hahaha geh sabi mo eh."


Ayan medyo nawawala na yung sakit kaya pwede na ako bumalik sa classroom.


x x x x x x x x x x

In Death's EyesWhere stories live. Discover now